CH. 37

1.3K 39 1
                                    




        

Chapter 37:

Angel's POV:


"Ano ba Angel, pwede ba wag mo muna akong istorbohin." 


"Dalawang linggo tayo hindi nagkita Rome." Tiningnan ko lang siya ng masama, paano ba naman kasi masyadong nagpapagod sa trabaho wala na kaming oras para sa isa't-isa. 


"Busy lang talaga ako sa trabaho ko, alam mo naman ilang buwan na lang dadating yung investor sa kumpanya namin at ako pa ang naka-assign para sa presentation namin. Ilang beses ko na ito pinaliwanag sayo ha, hindi mo ba ako naiintindihan?!" Irita niyang tanong sa akin,nandito nga siya bahay pero hindi naman siya nagpapahinga trabaho pa rin ang iniisip niya.


"Iniintindi naman kita pero sana naman may oras ka para sa akin." Tiningnan niya ako na para bang nakakairita talaga ako dahil nandito ako. Wow lang grabe, nakaka-init ng ulo (-_-)


"Ano bang gusto mo?"


"Ano ba nangyayari sayo Rome?! Bakit ganito ka sa akin?!?!"  Nagulat ako nung tinapon niya yung gamit niya, di ko aakalain magiging ganito siya.


"HINDI MO BA AKO MAINTINDIHAN AYAW KITA NA NANDITO!!" Natahimik na lang ako at napaiyak. Hindi ko aakalain na sisigawan ako ni Rome ng ganito, yumakap siya sa akin at hinalikan ang noo.


"Im sorry Angel, sorry. "  Umiyak lang ako sakanya, natakot kasi ako hindi ko talaga aakalain na sisigawan niya ako ng ganun at itapon yung gamit niya. Nasanay kasi ako na lagi niya ako pinapasaya at lagi ako pinapatawa, ngayon ko lang siya nakitang ganito.


"Angel, sorry." Hindi ako umiimik sa ginawa, kumawala ako sa yakap niya pero hinawakan niya ang kamay ko.


"Uy, Angel naman kausapin mo ako." Tiningnan ko lang siya.


"Ang gusto ko lang naman ay magkasama tayong dalawa pero nakatutok ka lang sa trabaho mo.Hindi mo nga ako maalala tawagan o txt man lang." Pinunasan niya yung luha ko.


"Im sorry, na pressure lang kasi ako sa boss ko. Pinapadeadline niya na sakin kasi itong draft ng presentation sa susunod na araw." 


"Naiintindihan ko naman yun kaso nawawalan ka na kasi sa akin ng oras, pakiramdam ko tuloy hindi na ako importante sayo." Nginitian niya ako.


"Importante ka sa akin.Tandaan mo yan lagi Angel." Ngumiti na lang din ako.


"Opo, kumain ka na ba?Kung hindi pa gumawa ako ng pagkain para sayo kaya dumaan ako dito." Hinalikan niya ako sa pisngi at yumakap ulit.


"Ang sweet naman ng girlfriend ko, sorry ulit kung nasigawan kita ha." Ngumiti na lang ako.


"Wag mo na ulitin yun ha, baka atakihin na ako sa puso sa susunod." Tumawa lang siya at hinila ko siya sa kusina at binigyan siya ng plato para kumain.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon