CH.7

2K 70 1
                                    

Chapter 7:

Angel's POV :

"Pumunta ka lang sa party na yun bigla na lang namin mababalitaan na ganyan?Hindi ka pa talaga nadala sa mga naging ex mo." Ayan ang bungad sa akin ni papa paggising ko. Ramdam ko galit sa akin si Papa ngayon, minsan lang talaga magsalita ng ganyan sa akin si papa pero alam kong concern lang siya sa akin.

"Boss, hayaan natin siya. Matanda na yan si Angel, kung ano gusto niya siya naman magdadala niyan." Sabi ni mama habang inaayos niya ang hapag kainan namin. Tahimik na lang ako sa mga sinabi nila, bwisit kasi yun si Lee eh! Ayan tuloy, napabalita ako sa dyaryo at TV. Buti na lang bigla ako inuwi ni Lena.

"KYAAAA! BFF!"

"Ay tumae ang tae." Bwisit naman toh si Lena bigla bigla na lang sumusulpot.

"Ha? Paano tatae ang tae eh tae na nga siya." Inirapan ko na lang siya.

"Tanungin mo yung tae baka sagutin ka. Feel at home ka na masyado dito ha." Masungit kong sagot sakanya pero nakangiti lang siya sa akin.

"Syempre katulad nga ng sabi mo dati makapal ang mukha ko. Hi Tito at Tita! Goodmorning~" Bati niya kila papa, di siya pinansin ni papa pero nginitian siya ni mama.

"Ay badmood si Tito.Anyways, grabe ka Angel.Sikat ka na agad! Kalat na kalat yung kiss niyo ni Lee kagabi ha." Tiningnan ko ng masama si Lena

"Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin? Dapat nga magpasalamat ka sa akin kasi inuwi kita kaagad." Proud pang sabi ni Lena.

"Bantayan mo yang kaibigan mo Lena ha." Biglang sabi ni papa kaya natahimik si Lena. Alam ko nagulat si Lena sa sinabi ni papa, ih kasi bihira nga lang magsalita ng ganun si papa.

"Nako! Kaaga-aga. Tara kumain na tayo, tara Lena kumain ka muna." Umupo na lang ako at kumain muna kami. Tahimik lang kami hanggang sa natapos, naghugas muna ako ng plato at tumulong din si Lena. Pagkatapos nun nagyayang lumabas muna kami ni Lena.

"Anong meron kay Tito? Ba't ang bad mood." Tanong agad ni Lena.

"Nabadtrip dahil sa nangyari kagabi."

"eh bakit naman daw?"

"Hindi pa daw ba ako nadadala sa mga naging ex ko? Ayaw niya kasi kay Lee."

"Ahhh, eh ano ba kasi meron sainyo ni bebe Lee ko?" Pangiti niyang tanong sa akin.

"Pinanindigan mo talaga ang bebe ha? Nice."

"Ano ba pabigyan mo na ako. Oh ano nga bang meron sainyo? Uso magsabi sa akin." At ayun sinabi ko nga sakanya kung bakit naging boyfriend ko by deal si Lee.

"Sus. nako, may paganyan-ganyan pa kayo. Nako kung ako sayo itigil mo na yan habang maaga pa, alam kong hindi mo habol yung pera niya pero wala ka ding mapapala pagpinairal mo ang pride mo Angel." Nagulat ako sa sinabi ni Lena, hinawakan ko noo niya.

"May lagnat ka ba Lena? Sayo pa talaga ng galing yan ha."

"Sira. Seryoso ako Angel, concern ako bilang kaibigan mo at kapatid mo." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yack? Bilang kapatid ewww. "

"Wow ha choosy ka pa ha? Nakoo, ayaw mo nun may kapatid kang dyosa."

"Ge push mo yang pagiging feeler mo ha." Tumawa lang siya.

"Pero seryoso Angel, kabisado na kita. Kung ako sayo kung ayaw mong masaktan ulit itigil mo na yan." Tiningnan ko lang si Lena.

"Kung kabisado mo na ako Lena, alam mo ding kung ano ang naumpisahan ko ay tatapusin ko pa rin kahit ano pa ang mangyari." Biglang pinitik ni Lena yung noo, aray ang sakit ng ginawa niya.(-_-)

"Nako, kaya di ka nadadala ih." Pinitik ko din noo ko.

"Wow, parang siya di rin nadadala. Ikaw nga ang hilig mong manakit ng lalaki, napaka-playgirl mo."

"Virgin pa din naman ako. Tss." Proud niyang sabi.Napailing na lang ako!

"Proud to be virgin. Wow" Nagulat ako sa biglang singit sa amin ni Zico.

"Hi Ladies." Bati niya sa amin, kapal ng mukha para magpakita sa akin.

"Tara na Lena." Yaya ko kay Lena.

"Woah. Wait lang Angel, di ka ba masaya na nakita mo ako?" Humarap ako sakanya at ngumiti.

"Bakit si Jollibee ka ba para pagnakita ko magiging masaya ako?"Natawa si Lena sa sinabi ko.

"Ha? Anong konek ni Jollibee?"

"Tss. slow! Kasi doon bida ang saya." Sabay irap ko sakanya at nagsimula ng maglakad at alam ko sumusunod sa amin si Zico kaya nabwisit ako.

"ANO BA KAILANGAN MO? BAKIT SUNOD KA NG SUNOD?" sigaw ko sakanya.

"Gusto lang kita makausap." Seryosong sagot ni Zico.

"Paano ba yan friend alis muna ako." Sabi ni Lena pero umiling ako.

"Sabay na tayo." Aalis na sana kami pero biglang hinawakan ni Zico yung kamay ko at tinulak ko siya pero di ko sinasadya na maitulak ko siya sa may kanal sa amin.

"SH*T. " Mura ni Zico, natawa si Lena at maski din ako natawa na din. Buti nga sakanya ang kulit kasi ih.

"Bagay ka pala dyan." Asar ni Lena kay Zico.Kaya natawa tuloy ako naghigh five pa kaming dalawa ni Lena.

"Paano ba yan maiwan ka nanamin dyan?" Tanong ko.

"F*CK DON'T ------"

"Stop cussing if you want my help." Seryoso kong sabi kaya natahimik siya. Syempre di naman ako ganun kasama para hayaan lang siya dun di ba?

"Lena, pwede ba sainyo muna makiligo tong mokong na ito?" Nag-okay sign si Lena.

"Tutal wala naman lagi sila kuya doon sa bahay ih. Okay lang." Tas tiningnan ko si Zico na parang nasusuka sa amoy niya.

"Kaya mo naman siguro makaalis dyan di ba?" Tiningnan lang ako ng masama ni Zico at ayun din pala kaya niya makaalis doon. Nag-umpisa na kami maglakad papunta sa bahay nila Lena. May mga tao ding nakatingin kay Zico pero hinahayaan ko lang sila.

"Nandito na tayo~" Masayang sabi ni Lena, mayaman sila pero sobrang simple lang pamumuhay nila. Kaya ko naging bestfriend si Lena dahil parehas kaming college at course noon at nakakatawang isipin siya pala yung nakakalaro ko nung bata pa ako. Lagi kami nagkikita ni Lena dati pero di kami nagpapansinan kailan lang talaga kami naging close ni Loka XD hahaha.

"O maligo ka na dyan. Napakabaho mo sobra." Tapos ngumiti si Zico.

" Gusto mo sabay tayo?" Natawa ako sa sinabi niya.

"excuse me, may boyfriend na po ako. Wag mo na akong landiin." Natawa si Zico sa sinabi ko.

"I don't care." Sabay pasok niya sa Bathroom.

"Bakit kaya pumunta yun dito sa atin?" Sabi ni Lena.

"Tss ewan ko dun."

"Pero infairness naalala niya pa rin kung saan ka nakatira. Ayiee~ Memories."

"Tigilan mo nga ako Lena, pahiramin mo muna ng damit yung gagong yun." Natawa si Lena sa sinabi ko.

"Kung makamura kay Zico ha."

"He deserves that word." Napailing na lang si Lena.

'' So ayan nagpakita na ang unang ex mo. Anong balak?" Nginitian ko lang siya.

"Then let's start the game."

======================

Vote.Comment.Fan

(C) AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon