CH.30

1.4K 42 2
                                    



Chapter 30:


Angel's POV:


" Poy, tama na yang paglilinis mo. Tumabi ka na sa akin, miss na miss na kita." Tiningnan ko ng masama si Lee.


"Aba magtiis ka! Kadiri tong bahay natin oh. Di mo man lang nilinis!"


"eh ilang araw ako naging busy."


"ewan ko sayo, tas ngayon tatawagan mo ko para pumunta dito dahil miss mo ko. Magtiis ka dyan, buti nga sayo nilagnat ka." Busy parin ako sa pag-aayos ng so called Bahay namin. :''>


"Grabe ka naman sa akin Poy, hindi mo man lang ba ako namiss?"


" Anim araw kang hindi nagparamdam sa akin, nakaalis na sila Jin at Rizza ni-text o tawag wala man lang ako narinig sayo. Tapos sasabihin mo lang sa akin kanina na bukas na flight mo papuntang France? Nang-aasar ka ba?!"  Hay, sa wakas natapos ko na din tong paglilinis ko. Umupo ako sa sofa at hinayaan ko lang humiga si Lee sa kama niya, tutal hindi naman siya makabangon dahil sobrang taas ng lagnat niya (-_-)


"Poy naman."


"ewan ko sayo."


"Kung galit ka sa akin, bakit ka pumunta dito?"


"Parang maibuhos ko lahat ng galit ko sayo! Bwisit ka." Bigla siyang bumangon pero lumapit agad ako sakanya para humiga siya ulit.


"Sorry na poy." Napabuntong hininga ako, tumabi ako sa kama niya at yumakap ako sakanya.


"Mamimiss kita ng sobra Poy, anim na araw pa nga lang miss na kita. Paano pa kaya pagpumunta ka na dun sa France." Hinalikan niya ako sa noo.


"Kailangan ko magtrabaho , para sa future natin ito. Maski ng magiging anak natin." Kinilig naman ako sa sinabi niya.


"Sigurado ka na ba na ako na ang future mo."


"Hindi, pero ikaw lang ang nakikita kong makakasama ko sa future." Waaa, kinikilig ako sakanya :''>


"Nilalagnat ka na nga ang lakas mo parin magpakilig sa akin." Natawa siya sa sinabi ko.


"Nagpapakatotoo lang ako Ciara."


"Sige, maghihintay ako sayo pagbalik mo ha. Magtratrabaho din ako para sa future natin." Niyakap niya din ako ng sobrang higpit.


"I love you Ciara." Yiee, sarap pakinggan :''>


"Ikaw Lee ha, pagkadating mo doon. Wag ka masyadong magpapagod, ingatan mo kalusugan mo. Pagnamiss mo ako, libreng libre magfacebook , skype o viber ha o kaya tingnan mo yung cellphone mo tapos tingnan mo lang picture ko."

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon