CH. 31

1.2K 44 2
                                    



Chapter 31:


Angel's POV:


"Ano tatapusin mo na lang ba ? Hindi ka man lang makikinig sa paliwanag niya?" Tiningnan ko lang si Rome.


"Hindi naman sa nakikipaghiwalay ako sakanya Rome, pero sa ngayon ayaw ko makinig sa paliwanag niya."


"Ayan ka nanaman." Ginulo niya lang buhok ko at hinayaan ang sarili ko na humiga sa sofa.


"Nagmahal ako ulit Rome pero masasaktan nanaman ako." Binato niya ako ng unan.


"Magdradrama ka nanaman!" Binato ko yung unan sakanya.


"Gusto mo naman di ba? Para lagi ka nandyan para damayan ako. " Pinisil niya pisngi ko.


"Manigas ka dyan, hindi na kita lulutuan." Pintik ko noo niya.


"Tse, nagugutom na ako!" Binato niya ako ulit ng unan.


"Hindi na ako nakabili ng pang kare-kare, kasi naman bumalik ako dito para kuhain ang wallet ko bigla bigla ka ba naman umiyak sa akin." Binato ko siya ulit ng unan.


"Wala akong pake! Magluto ka na!" Tapos binato niya ako ulit, aba napaka-sadista nitong lalaking toh ha! Nagbatuhan lang kaming dalawa hanggang sa napagod ako!


"NAGUGUTOM NA AKO ABAAA!" Sigaw ko kay Rome.


"edi ikaw magluto." Tiningnan ko siya ng masama.


"Ano naman lulutuin ko?"


"Hindi ka parin marunong magluto?"


"Hindi."


"Gusto mo turuan kita?" Napangiti naman ako sa sinabi niya.


"Ay gusto ko yan!"


"Ano ba gusto mong kainin bukod sa kare-kare?"


"hmm. gusto ko ikaw." Sabay kindat ko sakanya tapos yung mukha niya walang reaksyon.


"Masaya ka na doon?" Pipisilin ko sana yung pisngi niya pero hinawakan niya kamay ko.


"Ang KJ mo kainis ka. Mag-order na lang tayo ng pagkain, gutom na talaga ako." Sabay upo ko sa sofa at tumayo naman si Rome.


"Anong gusto mo bukod sa akin?" Natawa naman ako sa sinabi niya.


"Pizza, kahit anong brand ng pizaa basta may pizza!" Nag-okay sign siya tapos kinuha niya yung phone niya at nagorder online. Humiga ako sa balikat niya at tiningnan ko ulit yung phone ko para tingnan ang facebook , inopen ko yung messages at clinick ko kay Lee.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon