CH. 5

2.2K 68 1
                                    

Chapter 5:

"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo para ipagpalit mo ako!"

"excuse me. Miss hindi kita kilala." Sabi sa akin nung lalaki.

"Babe, baliw yata siya." Sabi nung babae niyang kasama, tiningnan ko ng masama yung babae.

"Babe?! May iba ka nanamang babae?!  Roland, ilang beses mo na yang ginagawa sa akin pero kahit ganyan ka. Minahal pa rin kita. Roland, bumalik ka na sa akin. Hindi ko kayang mabuhay na wala ka." Hmmp! Mukhang kakagat na yung babae sa acting ko.

"Look Faye! Its not true, ikaw lang talaga." *PAK* Ayowwwn! kumagat na yung babae sa acting ko sinampal niya na si Roland.

"I'M NOT FAYE!" Sabay walk-out nung babae, pfft!HAHAHAH. Nako-nako. Nabuko din si kuya~ tsk.tsk! Kawawa. Hindi pala siya si Faye eh.

"Sino ka ba?! " Galit na tanong sa akin nung Roland.

"Hmm. My name is Heartbreaker." Bigla siyang natahimik, tapos tinitigan niya lang ako. Kahit anong ititig niya sa akin, hindi niya ako makikilala.Punong-puno kaya ako ng make-up at may nilalagay akong chuva-chuchu sa mukha.

"Sino nag-utos sayo?" Nakipagtitigan din ako sakanya at sabay ngumisi ako.

"Isa sa mga babaeng niloko mo at pinaglaruan mo." Aalis na sana ako kaso bigla ako hinawakan nung lalaki.

" Sino? Si Krizia ba, Joanne, Ynah? SINO?!?" Tumingin ako sakanya.

"Kitams, sa dami ng babaeng niloko mo hindi mo na alam kung sino.Kawawa ka naman." Bigla siyang napatigil sa sinabi ko kaya inalis ko na yung pagkahawak niya sa akin at naglakad na pero nagulat ako nung nakita ko yung babae nag-utos sa akin na saktan si Roland na yun.

"Heartbreaker, thank you." Siya si Dianne,lumapit siya dun kay Roland at sinampal niya ito. Kitang-kita ko kay Dianne na sobra siyang nasaktan sa pinagagawa sakanya ni Roland. Nakikita ko sakanya yung dating ako na sobrang nasaktan. Hays. Makaalis na nga lang hindi ko na yan problema, basta nagawa ko na ang misyon ko bilang Heartbreaker.

"Friend! Good job!" Bati sa akin ni Lena, buti nga sumama siya ngayon sa misyon ko eh.

"Nakakuha ka ba ng magandang picture kanina?"

"Oo naman! Ipopost ko na toh mamaya sa website nating www.mynameisHeartBreaker.com"

"Kailangan talaga kumpleto Lena?"

"Oo naman yes! By the way loka,yung mga damit mo nandun sa kotse ha. Tinamad akong dalhin e." Tiningnan ko ng masama si Lena.

"Kahit kailan napakatamad mo."

"Wow, nagsalita ang masipag." Ngumiti ako sakanya.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon