CH.33

1.2K 45 4
                                    



Chapter 33:


Angel's POV:


"Welcome home anak." Napatingin ako kay papa na nakaupo sa sofa, mukhang hinintay niya ako. 2weeks na ang nakalipas simula ng nakipagbreak ako kay Lee. Ilang beses niya ako tinatawag at tinetext, pumunta din siya bahay pero hindi ako nagpapakita sakanya at ang lagi lang humaharap kay Lee ay sila papa.


"Ilang linggo ka ng ganyan Angel ha, masyado kang busy sa trabaho at sa pagiging heartbreaker."


"Tutulog na ko pa."  Nagulat ako kay papa ng yumakap siya sa akin.


"I'm willing to listen Angel." At hindi ko mapigilan umiyak ulit, araw-araw na lang ba ako ganito? ito na ba yung time para mag-open ako sa nararamdaman ko ngayon? 


"Pa, I thought he's the one."


"Pero ayun, nasaktan nanaman itong anak niyo. Hindi ko na alam kung paano magmahal ulit papa, ano bang mali ang nagawa ko? Nagmahal lang ako pero bakit laging ganito ang nangyayari sa akin? Lagi na lang ba ako masasaktan. Lagi na lang ba ako lolokohin? Paulit-ulit na lang ba ganito papa? Hindi ba sila marunong maawa sa akin? Hindi naman ako ganung kasamang tao para saktan ng ganito?" Hinaplos ni papa ang likod.



"Katulad ng sinabi mo, nagmahal ka lang Angel at parte ng pagmamahal ang masaktan. Tingnan mo ako Anak kahit nasasaktan ako mahal ko pa rin ang nanay mo." Napatingin ako kay Papa at napatigil sa pag-iyak.


"Pa? " Tiningnan lang ako ni papa.


"Nagsasama lang kami ng mama mo para sayo, pero anak may ibang mahal ang mama mo.Matagal na naming tinatago ito."


"Papa."


" Pero kahit nasasaktan ako anak, mahal ko parin ang mama mo, mahal ko kayo ng mama mo." Napahagulgol ako at yumakap ako kay papa ng sobrang higpit.


"Tanga na kung tanga anak, pero nagmahal lang tayo.Sorry anak kung naging katulad ka sa papa mo ha." Napa-iling ako sa sinabi ni papa.


"Don't say sorry."


"Kaya lang ako naging over protective sayo dati  dahil ayaw ko ma matulad ka sa akin anak . Hindi ako naging mabuting ama sayo." Umiling ako ulit.


"Hindi yan totoo papa, ikaw ang best dad ko ever. "


"Be strong Angel." 


" I love you dad."


" I love you my princess." Then my dad kissed my forehead.


********************


"Saan mo ba ako dadalhin Rome? Kaaga-aga pupunta ka sa bahay namin at bigla bigla mo na lang ako kukuhain ni hindi mo man lang ako hinayaan mag-alis ng muta at magmumog man lang." Pero hinila niya lang ako dito sa isang madamong lugar .

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon