Chapter 39:
Angel's POV:
"Saan ba tayo pupunta Rome? May pa-blind fold effect ka pang nalalaman."
"Malapit na tayo."
"Matagal pa ba?"
"Nandito na tayo." Sabay alis niya sa blindfold, WOW. Ang ganda, nasa isang garden kami at puro ilaw at ang nagpamangha sa akin ay may Gazeebo pa.
"Happy 1st Anniversary Angel." Napangiti naman ako sa sinabi ni Rome at yumakap ako sakanya.
"Happy Aniversary Rome." Isang taon na kami ni Rome at lagi niya ako pinapasaya at pinapadama niya sa akin na mahal niya talaga ako. Inalalayan niya akong pumunta sa Gazeebo.
"Anong masasabi mo sa ginawa ko ngayon?" Tiningnan ko yung paligid.
"Hmm, pwede na." Pabiro kong sabi.
"Pwede na?" Tinawanan ko siya.
"Pwede na akong dito tumira sa sobrang ganda." Tumawa din siya, tinitigan ko siya.
"Salamat Rome ha." Hinawakan niya yung kamay ko at tinitigan niya din ang mata ko.
"Ilang beses mo ba ako pasasalamatan Angel?" Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Hanggang hindi ako mapagod kakasabi ng salamat."
"Magpapasalamat ka pa rin kaya mamaya?" Napakunot noo ko naman sa sinabi niya.
"Anong meron mamaya?"
"A simple gift." Sabay ngiti niya.
"Nako, ano nanamang yang pakulo mo Rome?" Tumawa lang siya at may biglang pinatugtog. Pinakinggan ko yung kanta.
~There I was again tonight Forcing laughter, faking smiles
Same old tired lonely place
Walls of insincerity,Shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face
All I can say is it was enchanting to meet you~
"May I have this dance?" Naalala ko tuloy yung sinagot ko siya sa isang restaurant, nagkatampuhan pa kami dahil di niya ako niyaya ng maayos.Grabe, di ko aakalain isang taon na pala kami ni Rome. Hindi ko aakalain na magtatagal kami ng ganito, oo maikli pa yung pagsasama naming dalawa pero para sa akin mahalaga ang bawat araw na magkasama kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/31629424-288-k794627.jpg)
BINABASA MO ANG
My name is Heartbreaker [COMPLETE]
Romance[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin niya sa lahat ng magkarelasyon ay lolokohan lang. Bakit niya ito ginagawa? Tara basahin natin ang M...