"Bakit nandito siya?"
"Sinama yata siya ni Lee."
"Ano ba yan? Ang pangit niya pala ha."
"I agree, hahaha. Mas maganda tayo sakanya."
"Tama."
Biglang pumintig tenga ko dun ha, tiningnan ko ng masama yung babaeng nagsabi nun. Ako,pangit? Kung makapagsalita siya ganda niya ih.
"Ciara." Bigla ako napatingin kay Lee, tinaasan ko lang siya ng kilay.
" Dapat di na lang talaga ako sumama ih." Bago ako makapunta dito sa Batangas with Lee, nagpaalam ako kila mama. At mukhang di na against si papa sabi niya lang sa akin " Bahala ka, matanda ka na." Medyo nakonsensya nga ako ih. Ayoko sumama kaso , itong gagong to kinulit ako. Nakakarindi kasi siya.
"You should be with me." Sabay bigay niya sakin ng juice, tiningnan ko lang siya.
"You should be with me ka dyan, upakan kita ih. Tsaka pwede ba tahimikin mo yung mga alipores mo dun. Sabihan ba naman ako na ang pangit."
"HAHAHHAA. Are you mad about that?" Tinawanan pa ako nito (-_-)
"Ay hindi, kita mo ang saya saya ko di ba?" Inakbayan niya lang ako at tumawa siya. Nako nagpapakitang sweet to sa ibang tao.
"Totoo naman ang pangit mo ih." Inirapan ko siya sa sinabi niya at inalis yung akbay niya sa akin.
"Napaka supportive mo talaga noh?" Tinawanan niya lang ako ulit.
"Halika nga dito." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako para yakapin, I found it sweet HAHAHAH. pero naah, kasama niya yun sa plan niya noh.
"Tss, ano magpapakasweet ka ngayon sakin?"
"Napaka sungit mo noh? Don't worry insecure lang yung mga models na yun sayo." At nagulat ako nung bigla ako hinila ni Lee papalapit sa isang photographer yata?
"Rex, pwede ba sa photoshoot na to si Ciara na lang ang kasama ko?"
"HA?" Kung nagulat yung photographer na yun sa sinabi ni Lee e mas lalo naman ako di ba? Pero pangarap ko din yun maging model someday.
"Si Ciara ang gusto kong kasama sa shoot not them." Ano nanaman kaya trip nito ni Lee?
BINABASA MO ANG
My name is Heartbreaker [COMPLETE]
Romance[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin niya sa lahat ng magkarelasyon ay lolokohan lang. Bakit niya ito ginagawa? Tara basahin natin ang M...