EPILOGUE

2K 65 4
                                    




epilogue:



"Alam mo anak yung kwento mo parang kwento ko rin." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Mama.


"Ma, yung tono naman ng pagsasalita mo para naman akong ikakasal. " Tumawa lang sa akin si Mama.


"Masaya kasi ako para sayo at alam ko papa mo din." Nginitian ko si mama.


"Thank you ma ha, thank you dahil napakaswerte kong anak para maging magulang ko kayo." Nginitian ako ni mama.


"Kwento mo nga ma sa akin paano naging parehas ang love story natin?" Pag-iiba ko kaagad.


"Sabihin na lang natin na si Rome ay si papa mo at si Lee ang Tito Benjie mo." Si Tito Benjie ang parang step-father ko na.


"Paano naman naging ganun mama?"


"First boyfriend ko ang papa mo pero yung panahong yun babaero siya lagi ko siyang iniiyakan noon hanggang sa napagod na ako.Hanggang sa makilala ko si Tito Benjie mo, ang lalaking nagpaintindi sa akin na hindi lahat ng lalaki ay katulad ng papa mo pero sa huli niloko din ako. O di ba, parehas tayo ng kwento Anak?" Natawa naman ako sa sinabi ni mama.


"Kaya pala, alam ko na kung kanino ako nagmana."


"Ngayon alam mo na."


"Tapos ma, paano naging kayo ulit ni papa?"


"Pumunta siya sa bahay namin noon at sinabi niyang mahal niya ako pero binalewala ko ito dahil yung panahong yun hindi ko na siya mahal kung di si Benjie."


"Ma, hulaan ko sa panahong nalulungkot ka kay Tito si papa ang nagpuno nun kaya bumalik ulit yung pagmamahal mo kay papa."


"Tumpak,siya ang lagi nagpapasaya sa akin pero hindi sapat ang laging masaya ka sa taong kasama mo lalo na kung iba talaga ang hinahanap ng puso mo."


"Naintindihan kita ma." Nginitian niya lang ako.


"Iba man ang naging ending sa love life natin anak, natupad naman natin ang huling hiling ng papa mo di ba?"


"Opo Ma." Yumakap siya sa akin at ganun din ang ginawa ko.


"Ate Angel!!!" Tumingin ako sa batang lalaki na sumisigaw.


"Nako, dahan dahan lang sa pagtakbo ikaw bata ka talaga oh." Pero hindi siya nakinig sa sinabi ni mama at bigla na lang siya yumakap sa akin.


"Andrew naman , ang kulit talaga ng batang to oh."


"Namiss lang kasi kita Ate!!" Akalain mo yun, pamangkin pala ni Tito Benjie si Andrew at laking tuwa ko yung nalaman ko iyon. Parang dati nakita ko lang siya lagi nakahiga sa ospital ngayon, sobrang sigla niya na. Masaya ako na nakasurvive talaga siya sa kanser.


"Parang kahapon lang tayo nagsama eh." Narinig kong tumawa si mama.


"Namiss lang talaga kita Ate!" Tumawa na lang din ako.


"Baka araw-araw mo na akong mamiss niyan Andrew?"


"Hindi po, kasi simula po bukas Ate Angel dito na po ako titira." Nagulat naman ako sa sinabi niya at napatingin ako kay mama.


"Nasa abroad ang magulang niya kaya binilin muna dito tutal malapit naman sayo si Andrew."


"Wag kang makulit ha." Sabay tingin ng masama kay Andrew at natahimik siya.


My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon