CH. 17

1.4K 57 1
                                    


Chapter 17:



Angel's POV:




"Mama naman pinag-alala mo naman ako ng husto."



"Sorry Anak." Nahimatay si mama kanina ng dahil sa sobrang taranta o pag-iyak ng dahil kay papa.



"Si papa po pala, okay na po . Nagpapahinga po sa kabilang kwarto."



"Teka, paano ang pambaya——"



"Ma, wag mo na aalalahin yun. Bayad ko na ang lahat." Oo, binayaran ko na ang lahat. Nag-withdraw agad ako sa bank account ko at isa lang masasabi ko ubos na ang naipon ko sa bangko.Kaya kailangan ko na ulit magtrabaho bilang Heartbreaker.



"Sigurado ka ba anak?" Nginitian ko si mama.



"Wag mo ng isipin yun ma."



"Ciara, gising na ang papa mo." Biglang pasok ni Lee at napansin kong nagulat si Mama doon. Tsaka na lang ako magpapaliwanag kay mama, tinulungan ko na lang siya tumayo para makapunta sa kwarto ni papa.



"Papa." Sambit ko kaagad pagpasok ko ng kwarto.



"Bakit andito ka at kasama mo pa yang lalaking yan?"



"Boss naman." Sita ni mama.



"Paalisin mo yan."



"Ayan ang hirap sayo pa eh! Hindi mo man lang pakinggan ang totoo! Para sa ikakasaya mo pa, hindi ko boyfriend si Lee. Hinalikan ko si Jack dahil gusto ko siyang maghiganti sa panloloko niya sa akin. Oo malandi na ako, ako na ang tanaga. Ako na lagi ang nasasaktan, ano pa bang gusto mo pa ha?" Pero di na lang ako inimikan ni papa kaya umalis na lang ako at sinundan ako ni Lee.



"Iwan mo muna ako mag-isa."



"Pero—-"



"Tama na Lee. Pwede ba wag ka na maging concern sa akin!"



My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon