CH.40

1.5K 60 3
                                    




Chapter 40:

Angel's POV:

 To do list ng ideal guy ni Angel Ciara Locsin~ ♥

1. Yung ideal guy ko ay tatawagin akong Ciara.

2. Haharanahin ako ng Tadhana by UpDharma Down or I'll Be

3. Isusurprise niya ako sa isang theme park tapos may fireworks

4. Pag may ginawa siyang kinagalit ko di siya magdadalawang isip na magsorry agad at bibilhan niya ako ng chocolates.

5.  Willing siya tumulong sa mga taong tinutulungan ko.

6. Parang pamilya na din ang turing niya sa pamilya ko.

7. Lagi siya nandyan para sa akin.

8.  Lagi niya ako kakantahan.

9. I will expect the unexpected, basta kung anong mangyari tatanggapin ko.

10. Yung kahit sumuko at binitiwan ko na siya. Maghihintay pa rin siya at hindi magsasawang iparamdam sa akin na minahal ko siya at minahal niya din ako.

                     Kung lahat ng ito ay mangyayari at makikilala ko siya. Hindi ko na siya papakawalan at gagawin ko din sakanya ang number 10.    

 

Pagkatapos ko basahin yung sa notebook, natawa na lang ako.  Highschool pa lang ako nung ginawa ko ito, akala ko walang makakagawa nito sa akin pero narealize ko pala halos nagawa ni Lee ito.


Ginawa niya dahil nasakanya yung notebook ko na matagal ng wala sa akin, nakakatuwa lang isipin. Sa dinaming taon na lumipas, tinago niya ng maayos ang notebook ko.

"Angel!" Napatingin ako sa tumawag sa akin sabay yakap niya sa akin.


"Akala ko hindi ka na makakapunta?" Tumawa ako.


"Ano ka ba Jack, sa ilang beses mo kong kinukulit na pumunta dito sa kasal sa tingin mo hindi ako makakapunta?" Tapos tumawa lang siya maski si Jenna , ang asawa niya. Finally, nagtino ding tong ex ko.


"Malay ko bang bitter ka pa." Inirapan ko lang siya.


"Mahiya ka naman kay Jenna noh. Congrats ha! Finally kasal na ang dating playboy. Nagtino ka din!" Tiningnan lang ako ng masama ni Jack pero si Jenna tumawa lang.


"Thank you Angel ha kailangan talaga ipamukha sa akin na playboy ako."


"Well you're welcome Jack!" Sabay ngiti ko sakanya.


"Sige maiwan muna ka namin ni Jenna, pupunta pa kami sa ibang bisita. Nga pala si Lena? Di ba kasama mo siya." 


"Ayun kasama niya si Zico, pinapakilala si Lena sa angkan niyo." Tumawa na lang si Jack.


My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon