CH.14

1.5K 63 1
                                    





Chapter 14:



Angel's POV:




"OH BAKIT NANDITO KA?"



"SIRA ULO KA DIN NOH? HINAHANAP MO AKO TAPOS MAGTATANONG KA KUNG BAKIT NANDITO AKO?" Tumawa lang siya tapos niyakap niya ako.




"Hindi mo talaga ako matiis noh?" Sinapak ko yung dibdib niya.



"Oo hindi kita matiis suntukin. Bwisit ka kausap sa cellphone !" Sabay pasok sa loob ng condo niya at humiga sa sofa. Ayos noh? Feel at home na ako HAHAHHAA. si Lena? Ayun totoohanin yata na ibebenta yung kotse ni Jack.




"Alam mo ba hinold ang pagrelease ng photoshoot natin sa Batangas ng dahil sa ginawa mo kay Jack." Pumikit lang ako habang sinabi ni Lee yun.




"Akala ko naman talaga concern ka sa akin, ayun pala ng dahil lang sa magiging feedback sayo ng tao."



"Syempre iisipin damay ka na din doon di ba? Ikaw ang magiging masama sa atin."




"edi sabihin mo sakanila break na tayo."




"Madali lang naman gumawa ng dahilan kung bakit tayo naghiwalay eh, pero di maiiwasan yung negative comment sayo." Dinilat ko ang mukha at tinitigan siya.




"Ako ng bahala doon. Kaya ko na ang sarili ko." Napabuntong hininga na lang siya.




"Nakauwi ka na ba sainyo?"



"Kung nag-aalala ka sa sasabihin sa akin ni papa, ako ng bahala doon." Napatitig na lang siya sa akin, alam kong may gusto siyang sabihin pero siya na gumawa ng limit sa aming dalawang di ba? Sabi niya sa akin, dapat ako mismo ang mag-ayos sa sarili ko. Kaya dapat ko tong mag-isa.




"Ngayon nakita mo na lahat ng mga ex mo ano na balak mo?" Bigla niyang tanong sa akin.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon