Chapter 32:
Angel's POV:
"HB, Turn to your left dali. Tapos tumabi ka guy!"
"Copy L." Sagot ko kay Lena, at nandito ako ngayon sa isang club para gawin ang misyon ko bilang Heartbreaker but upgraded ako dahil ngayon may device na kami ni Lena para makaconnect ang isa't-isa at ang tamang gagawin ko at sasabihin sa misyon.
"Ano nga pangalan nung guy?"
"Marco Web, kilala siya sa bar na ito. Kaya ang first move mo ay ipakilala mo ang sarili mo sakanya. Flirt with him."
"Copy L." Okay kaya ko to, medyo binuka ko kaunti yug damit ko para makita niya ang cleavage ko kaso meron nga ba? HAHAHHA.
"excuse me." Lapit ko kaagad kay Marco at ayun tiningnan niya ako mula ulo at tumigil siya sa cleavage ko at sabay tumingin sa akin at ngiti. Okay, mukhang kakagat siya sa paing.
"Hey." Bati niya sa akin.
"Ikaw si Marco, right?"
"Yes and you are?"
"Divina." Nag-offer ako ng handshake pero tinawanan niya ako.
"Wrong move HB, ayaw niya ng ganyan. Gusto niya sa isang babae ay aggresibo." Biglang sabi sa akin ni Lena sa device. Tumawa din ako at hinaplos ko yung kamay ko sa pisngi at tumingin ng seductive.
"Ohh, I like that." Sabi niya at nabigla ako ng bigla niya ako hinila malapit sakanya at nakapulupot na ang kamay niya sa bewang ko.
"Gusto mo pumunta tayo sa ibang lugar?" Sabay kindat ko sakanya.
"Sige, tutal ang boring na dito." Hinawakan ko kamay niya at hinila siya.
"Derecho ka lang HB, nakaready na yung kotse doon." Nag-okay sign ako ng patago at alam ko kasing sumusunod si Lena.
At ayun nga, nandoon at yung kotse pero biglang huminto si Marco.
"Why babe?" Sabay tingin sakanya.
"Uhh nothing." Siguro kasi narealize niya na familiar yung kotse, pumasok kaming dalawa sa kotse at hindi ako nagdalawang isip na pumatong agad sakanya.
"Woah." Halatang gustong-gusto niya yung ganito. May kinuha ako sa kotse parang gamot at kinagat ko lang ito ng patago at hindi ako nagdalawang isip na halikan siya para mainom niya yung gamot. Nagtagal din ng ilang minuto ang halikan namin hanggang sa magkatulog siya.
"L, tapos na. Gawin na natin ang last move!" Lumabas ako sa kotse at lumapit sa akin si Lena .
BINABASA MO ANG
My name is Heartbreaker [COMPLETE]
Romance[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin niya sa lahat ng magkarelasyon ay lolokohan lang. Bakit niya ito ginagawa? Tara basahin natin ang M...