Hi @eyangmay ito na update ko. Ayan na , sana magustuhan mo HAHAHA :') Thank youuu ~ Ingat palagi :*
Chapter 35:
"Bebe."
"O bakit manong?" Tiningnan ko lang siya ng masama.
"Grabe ka manong na talaga tawag sakin o."
"Aba, ikaw nga bebe na tawag mo sakin." Pinisil ko lang pisngi ni Rome.
"Tingnan mo Gellie , inaaway ako ng papa mo."
"Nako ako pa talaga ang nang-aaway ngayon." Hinawakan ko ang puntod ni Gellie.
"Ang ingay ng papa mo Gellie siguro abot dyan hanggang langit noh?" Tas narinig kong tumawa si Rome.
"Panigurado tinatakpan ni Gellie ang tenga niya."
"Panigurado yun kasi ang ingay mo bebe." At tiningnan niya lang ako ulit ng masama tapos nagulat ako nung may dumapong paru-paro kay Rome.
"Rome, may paru-paro ka sa balikat oh." Tiningnan niya ito at biglang lumipad yung paru-paro.
"Kulay dilaw ang pakpak nung paru-paro, ang paboritong kulay ni Gellie." Nakangiting sabi ni Rome, yumakap ako sakanya.
"Ayan, maingay ka daw kasi." Tumawa si Rome.
"Ikaw kasi." Tiningnan ko lang si Rome, ewan ko ba sa sarili ko. Gustong-gusto ko siya titigan ang saya ko kasi pagkasama ko siya para bang di ako makaramdam ng lungkot. Hinawakan ni Rome yung puntod ni Gellie at sabay hinalikan.
"Alis na kami baby, baka mamaya malusaw pa ako kakatitig ni Manong." Pinalo ko ng malakas si Rome.
"Manong pa." Sabay tayo at alis ko, tumawa na lang si Rome at umakbay sa akin.
"Bebe pa." Nagbuntong hininga na lang ako at hindi umimik. Hinawakan ni Rome ang kamay ko hanggang makapunta kami sa dream house ni Gellie.
"Angel, kanina ka pa hindi umiimik dyan." Umupo na lang ako sa sofa.
"Napagod lang siguro ako." Tiningnan niya lang ako.
"Spill it out Angel." Ngumiti lang ako.
"Napagod lang talaga ako Rome, ilang araw ba naman tayo pumupunta kung saan-saang lugar.Halika nga dito." Tumabi siya sa akin at yumakap sakanya.
"Sorry kung napagod ka sa gala natin ha? Nangako kasi ako sa sarili ko na ngayon may second chance na ulit sa relasyon natin, lulubusin ko ang bawat araw makasama lang kita mahirap na kasi baka mamaya mawala ka ulit sa akin." Napangiti ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My name is Heartbreaker [COMPLETE]
Romance[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin niya sa lahat ng magkarelasyon ay lolokohan lang. Bakit niya ito ginagawa? Tara basahin natin ang M...