Chapter 19:
Angel's POV:
"Lena ano ba ginagawa natin dito sa club? Alam mo namang kakagoodshot ko lang kila Papa eh."
"eh sira ka pala! Pinapatawag ko sayo si Jack di ba?"
"Mas lalong sira ka, alam mo naman di ko tinatago ang number ng mga naging ex ko di ba?"
"Tanga ka ba? Sino nagsabi sayo na nandito si Jack sa club na ito?"Tinawanan ko siya.
"Mas tanga ka.Ayan napapala na msyadong excited ih!"
"Ha?"
"Ha? Hahahaha. Ang tanga mo! Tumitingin lang ako sa website ko, binabasa ko lang yung mga naging mission ko.Porket nabanggit ko lang kaliwat'kanan na club ay nandito na agad si Jack.Nako! Lena." Napailing na lang ako sakanya.
"Ibig sabihin habang kausap kita sa bahay niyo, nagbabasa ka lang. Akala ko naman—"
"Sa susunod kasi wag tanga ha."
"Pero di ba dito mo nakilala si Lee?" Nakangiting tanong sa akin ni Lena.
"Tigil tigilan mo nga ako. Umuwi na lang tayo, wala si Jack dito."
"IKAW!!" Nagulat naman ako sa panduduro nito kay Lena.
"Anong sabi mo Angel, wala si Jack dito?" Nakangiting sabi ni Lena, nako may maitim na balak tong babaeng ito.
"IKAW NASAAN ANG——-" Galit na sabi ni Jack.
"Sumama ka sa akin." Nakakapagtaka naman toh si Lena kaya nakisunod na lang ako sakanila.
" OH F*CK! MY CAR!!!" At biglang lumapit si Jack sa kotse niya, at itong kaibigan ko nakangiti lang. Napakasama talaga eh, grabe kaya ang ginawa ni Lena sa kotse ni Jack. Yuping-yupi ang gilid ih.
"Kulang pa yan Jack! Ako ang maghihiganti para sa ginawa mo kay Angel, I have a surprise for you." Napatingin ako kay Lena.
BINABASA MO ANG
My name is Heartbreaker [COMPLETE]
Romance[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin niya sa lahat ng magkarelasyon ay lolokohan lang. Bakit niya ito ginagawa? Tara basahin natin ang M...