CH. 34

1.3K 53 10
                                    



Chapter 34:

Angel's POV:

"Angel, condolence." Sabi sa akin ni Lena, dalawang araw na ang nakalipas simula ng mawala si papa. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala siya bigla siyang inatake sa puso ang sabi ni mama.  Nakatingin lang ako kay papa na ngayon natutulog ng mahimbing.

"Angel, nandito lang kami." Napatingin ako sakanila, hindi ako makapaniwala na nandito sila.

"Jin, Rizza." Yumakap sila sa akin, umuwi sila para sa akin. Hindi ko mapigilang umiyak, masaya ako dahil nandito sila para damayan ako pero at the same time di ko maalis ang lungkot sa puso ko.

"Angel."  Napatingin ako ulit sa tumawag sa pangalan ko at katulad ng ginawa nila Jin yumakap sila sa akin.

"Thank you Jack at Zico, thank you everyone. Thank you for being here." At binigyan nila ako ng group hug. And thank you papa dahil pinadama mo ulit sa akin na hindi lang ako ang nag-iisa. Pinunasan ko yung luha ko at ngumiti sakanila.

"Angel." Tumingin ako kay Mama, simula kasi ng mawala si papa hindi ko na siya pinansin. Siguro oras na para mag-usap kami.

"Tara ma." Nag-umpisa ako maglakad at naramdaman kong sumunod si mama, nandito kami sa kwarto nila.

"Anak, Im sorry." 

"Ma, gusto ko magalit saiyo pero hindi ko magawa.Mahal na mahal ka ni papa pero anong ginawa mo ma?" Yumakap lang sa akin si mama.

"Mahal ko kayo ni papa mo."

"Pero bakit ganun ma?"

"Masaya kami ni Papa mo lalo na nung dumating ka sa buhay namin. Masayang-masaya kami pero dumating sa punto na napagod ako ako sa papa mo. Nawala yung pagmamahal ko sakanya at ---"

"At nakita mo ito sa iba. Bakit ka napagod ma? Sabi mo naman masaya kayo ni Papa pero bakit ganun ma?"

"Katulad ng ibang tao may taong tayong nakikilala pero hindi tinadhana sadyang hindi lang talaga kami para sa isa't-isa anak .Balang araw anak, maiintindihan mo din ako katulad ng papa mo. Hindi ako nagsisi na nakilala ko ang papa mo, mahal ko ang papa mo Angel. " Umiyak lang ako.

"Angel anak, bago atakihin ang papa mo. Sabi niya sa atin , Find our happiness." Find our happiness?

"Ma, sa tingin mo ba nakita na ni papa yung happiness niya." Tumango sa akin si mama.

"Oo at ikaw yun. You are his happiness Angel." Imbes umiiyak pa ako ng malakas huminga ako ng malalim at humarap kay mama.

"Im sorry mama." Hinalikan ako ni mama sa noo.

"Balik tayo doon?" Nakangiting tanong ni mama at tumango na lang ako.Pagkabalik ko doon nakita kong naghihintay sila sa akin, lumapit ako at ngumiti sakanila.

"Kumain na ba kayo?" Ngumiti lang sila sa akin  at inasikaso ko na sila sa pagkain.

"Angel." Tumingin ako kay Rome at yumakap ako sakanya.

"Thank you for taking care of me." Naramdaman ko ngumiti siya.

"I will always do that Angel pero sa maling lugar tayo para maglambingan." Pinalo ko siya ng mahina.

"ewan ko sayo."

"Bakit totoo naman, tiningnan mo yung mga kaibigan mo nakatingin sa atin. Hindi mo kasi ako pinapakilala sakanila." Tiningnan ko siya ng masama.

"Papakilala rin kita sakanila at the right time." Tumawa lang siya at ang gaan ng pakiramdam ko pagnakikita ko siyang masaya.

Nawawala yung lungkot ko pagnakikita ko si Rome na masaya.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon