CH.12

1.6K 70 3
                                    



Chapter 12:



Angel's POV:



"Nako, mukhang nakatulog na siya." Narinig kong sabi ni Lee, nakahiga kasi ako ngayon sa kama niya at pumikit lang pero di talaga ako tulog. Tagal niya kasi maligo kaya nainip ako. Narinig ko siyang napabuntong hininga at nilagyan niya ako ng kumot. Naramdaman kong tumabi siya sa akin at ramdam kong nakatitig lang siya sa mukha ko. Nakoooo! Ikaw Lee ha~ Tas sinuklayan niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.




"Parang dati lang Ciara, ang saya saya mo ng dahil kay Zico hindi ko aakalain na magiging isa kang heartbreaker. Nakita kita na sobrang saya kay Zico, nagandahan nga ako sayo eh. Yung ngiti mo , yung inosente mong itsura lahat yun naalala ko pero nawala yun ng nasaktan ka." Nagulat ako sa sinabi ni Lee pero nagkukunyari pa rin akong tulog para marinig parin ang sasabihin niya.


Naghintay ako ng ilang minuto pero wala na akong narinig sakanya pero nagulat ako ng niyakap niya ako at sinabi niya.



" I want you to be happy again." Doon ako napatingin kay Lee tinitigan ko siya.



"Thank you." Sabi ko.



"Sh*t! Gising ka!!" Ouch ha, kung makatulak sa akin si Lee nalaglag pa ako sa kama.



"Aray ko naman! OA mo." Sabay tayo ko at tiningnan ko siya ng masama.



"Na-narinig mo lahat ng sinabi ko sayo?" Tinaasan ko siya ng kilay anong kinauutal nito?



"Oo, klarong klaro."



"Sh*t" Sabay gulo niya sa buhok niya.



"Ano ba problema dun kung narinig ko?" Tiningnan niya ako ng masama. Aba ang lakas ng loob nito ha.



"Wala.Nakakahiya lang kasi." Napatigil ako dun sa sinabi niya.Nahiya siya? Siya nahihiya? Wow ha? Bigla ko siyang tinawanan ng malakas.



"Tara na nga hatid na kita sainyo." Inis niyang sabi.



"Nako, ayaw mo lang tawanan kita." Sabi ko sakanya.



"ewan ko sayo." Nakasimangot lang siya habang tumatawa ako sakanya. Ang cute niya mainis hahahaha. Nilapitan ko siya at pinisil ang pisngi niya.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon