Chapter 22:
Angel's POV:
" Lee, kain ka lang dyan ha." Pag-asikaso ni mama.
"Ah sige po salamat."
"Bakit ilang buwan ka di nagparamdam sa amin? Ayos ka lang ba?" Pag-aalalang tanong ni Papa. Jusko etong mga magulang ko parang anak pa nila si Lee kaysa sa akin. Nauna na ako kumain sakanila, dahil naawkwardan ako kay Lee dahil sa nangyari kagabi. Alam kong di ko yun first kiss at hindi namin yun dalawang first kiss.
Ang akin lang kasi iba na ngayon, kasi may gusto ako sakanya kaya parang naiilang ako.Tsaka pagkatapos ng kiss na yun, tinulugan niya na lang ako.
"Ah sabi po kasi Angel wag na daw po ako manghimasok sa buhay niya. Kaya ilang buwan po akong di nagparamdam." Tiningnan ko ng masama si Lee.
"Sinabi mo yun Angel?" Tanong agad ni papa. Tumango lang ako
"Bakit mo naman nasabi yun?" dagdag na tanong ni papa.
"eh kasi nakakainis siya nun, basta pa. Matagal na yun." Wala akong gana ng sagutin ang mga tanong ni papa eh.
"Ay Tito, pagpapaalam ko lang sana si Angel ." Singit agad ni Lee.
"Bakit?"
"Isasama ko po sana siya para sa birthday party ko po sa batangas po." Napatingin naman ako sa sinabi ni Lee.
"ah sige , okay lang basta ibabalik mo ng buo ang anak ko ha." Sagot ni papa.
"Hahaha. Sige po tito."
"Teka, pumayag ba akong sasama ako?"
"Bakit ayaw mo ba?"Nakangiting tanong ni Lee.
"Oo, ayaw ko." Tapos lumabas na ako ng bahay para pumasok sa trabaho ko at sakto nandoon si Rome.
"Oh bakit ganyan itsura mo?" Bungad niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My name is Heartbreaker [COMPLETE]
Romance[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin niya sa lahat ng magkarelasyon ay lolokohan lang. Bakit niya ito ginagawa? Tara basahin natin ang M...