CH. 24

1.4K 49 3
                                    



Chapter 24:




Angel's POV:



"So anong meron sainyo ni Lee? M.U ganun?"



"ewan? Friends with benefits ganun?" Nandito ako sa trabaho ko, at nagchichikka kami ni Lena habang wala pa masyadong customers na dumadating.




"Ay ang landi niyo parehas ah."



"Naman! Hahaha, tsaka don't worry liligawan niya naman ako. Hahanap lang siya ng tyempo."



"Ligaw pa? e halos kayo na nga kung umasta."



"Lena naman! Syempre kailangan parin ng pormal na ligawan di ba?"



"Sus! Kaartehan mo. Paligaw-ligaw ka pa."



"Bitter ka lang kasi, ako meron na magiging soon to be boyfriend e ikaw?"



"Katamad pa kasi magseryoso." Napailing na lang ako sa sinabi ni Lena.



"Ayan tayo e, ano na pala nangyari sainyo ni Jack?" Nagulat siya sinabi ko na parang nandidiri siya.



"Walang meron sa amin noh. Kung ano nangyari noon sa club hanggang doon na lang yun. Wala ng iba!"



"Ganun? Sabi mo eh." Tapos biglang may dumating na guest sa restaurant at hindi ko aasahan na si Zico ang dadating.



"Uy Angel, dito ka nagtratrabaho?"



"Oo. Ikaw lang ba mag-isa?"



"No. Im actually here." Napatingin naman ako sa nagsalita at si Rizza ang kasama niya.



"Okay maam sir. Table for two." Biglang singit ni Lena. Ano nanaman balak nitong kaibigan ko? Kaya di ko na inintindi sila Zico hinayaan ko na lang si Lena na magasikaso at mukhang okay naman. Pero mapapansin mo talagang ang plastik ng ngitian nila.




Pagkatapos kumuha ni Lena ng order nila at nagbuntong hininga siya sa harap ko.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon