Chapter 01

142 5 1
                                    

Chapter 01

Korea

-----

"I am on my own way right now, Samantha. Make sure that you will pay me for goodness' sake." I said to the other line while I was driving my car towards the village where her house was in.

"Yes, Anitha. I will pay for you. Thank you for buying Lamy's diapers." Sam said on the other line.

"You know what. I still don't get it. Why is your husband so busy at his work? I mean, hello? May pamilya na siya!" Ani ko bago umirap.

"Lance is busy finding his sister, Anitha. It's been what? Years, Anitha. Years. Seven years." Wika ni Samantha bago ko siya marinig na bumuntong hininga. "Mabuti nga't hindi siya umuuwi ng lasing o na mainit ulo, e. Kilala ko si Lance. Mahal na mahal niya si Jane kaya gano'n na lang siya makapaghanap sa kapatid niya."

"She's the only family that he has." Bulong ko.

"No, Anitha. He has me. He has Laze and Lamy. He has us. Nandito kami para sa kaniya bilang pamilya. Pamilya na kami pero siyempre kapatid 'yon. Kadugo niya kaya dapat ko na lang intindihin."

"Bakit ba ayaw pa nilang sumuko sa paghahanap, Samantha? Baka patay na 'yun. Ang tagal na, e." Sambit ko bago lumiko.

"Sabihin mo 'yan sa kanila at baka patay ka na kinabukasan." Ani Sam bago tumawa ng mahina.

"Ngayon pa lang ay patay na ako kung gano'n." Sambit ko habang nakangisi.

Evil Mafias. I know them not because of my best friend, Sam. I know them because they were my schoolmates before. I know Lance's sister too. Mary Jane Sandoval. The bad girl who made the mafia boss fell in love.

It's just too confusing that she disappeared on the exact day that their wedding will be held. I thought that she ran away because she hates Jake. She looked like it. But when Evil Mafias started to change into a damn living devil, especially Jake, I got confused. She didn't run away. She might be dead or kidnapped.

Now that it's been seven years, she must be dead. Walang taong mawawala ng bigla bigla sa mismong araw ng kasal nila. Tapos hindi pa magpapakita ng pitong taon, hindi ba?

Pati ang Kuya niya, ang nag-iisang pamilyang natira sa kaniya, hindi siya mahanap hanap. Maraming koneksyon ang Evil Mafias kaya naman nakakapagtaka na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita. Kung hindi siya patay at tinakasan niya lang ang kasal nila ni Jake, matagal na siyang nahanap. Pero kung patay na nga siya, dapat ay mayroon na ring nagbalita sa kanila noon.

Tangina. Nakakalito talaga ang nangyari sa kaniya. Masyadong miteryoso. Masyadong tago. Masyadong nakakakilabot.

Dinilaan ko ang pang-ibabang labi ko nang bigla na lamang sumakit ang ulo ko. Tangina. Ayoko na nga. Sumasakit lang ulo ko sa pag-iisip, e. Ni hindi ko nga kaano ano 'yung iniisip ko!

I smoothly parked my car in front of Samantha and Lance's house. I heard from Samantha that this house was built by Lance and designed by Carlos, their architect friend. Lance built this house for him and his sister but unfortunately, his sister was now missing.

Ouch. Tragic.

"Tangina mo, Samantha! Nandito na 'ko!" Sigaw ko pagkababa ng kotse.

Dire-diretso ang lakad ko patungo sa kanilang gate bago ito kalampagin. Narinig ko ang pagtahol ng twelve years old na australian sheperd na si Cookies sa may terrace ng bahay. Hindi niya ako masyadong makita dahil sa gate nila Sam na nakaharang sa akin.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon