Chapter 36

25 3 0
                                    

Chapter 36

Test

-----

Walang emosyon akong nakatayo sa tabi ni Grayson habang hinihintay namin ang pag-hatol kay Sheena. Nasa likuran namin ang mga magulang at kaibigan namin habang pinapakinggan ang judge sa kasong isinampa namin kayla Sheena.

Tinapunan ko ng tingin si Sheena at naabutan siyang naiiyak na nakapwesto sa aming harapan. Nakasuot na siya ng kulay kahel na damit habang ang palaging nakaayos na buhok ay sing-gulo na ng pugad ng ibon habang nakapusod ito. Ang gilid ng labi niya ay may pasa habang ang mismong ibabang labi niya ay may putok na natamo niya nang makuha siya nina Jake. May sugat din siya sa kaniyang leeg na kitang-kita kung nasaan kami. May nakalagay na bandaid sa bandang mata niya dahil sa sugat na natamo niya galing sa loob ng kulungan kung saan maraming tauhan sina Jake.

Kasama niya ang tatlong lalaking gumahasa sa akin. Pare-pareho silang nakasuot ng kahel na damit habang pare-pareho ring sugatan. Ang isa sa kanila ay halos hindi na makakita dahil sa pamamaga ng mata niya dahil sa malakas na suntok na natamo nila kay Grayson. Ang isa naman ay may benda ang kanang kamay dahil sa malakas na pag-hampas ni Grace ng baseball bat sa kaniya. Ang isa naman ay nakaupo na sa wheelchair dahil sa malakas na pag-sipa ni MJ sa kaniya. Ang mga pasa't sugat na natamo nila ay halos galing sa tatlong magkakaibigan habang kami nina Lance ay gulat na pinanood lamang sila. Mas galit pa sila sa 'kin.

Ilang linggo na ang nakalipas at ngayon lamang naipagpatuloy ang pag-sampa namin ng kaso sa kanila dahil halos mamatay na sila dahil sa ginawa ng Evil Mafias. Binaril at sinaksak din kasi silang apat. Si Doris ang nagpahirap kay Sheena dahil babae siya. Ayaw nina Martin na sila ang gumawa noon dahil mga lalaki sila. Unfair daw kaya si Doris na lang. Parang wala rin namang pinagkaiba dahil parang lalaki kung kumilos si Doris habang pinapahirapan niya si Sheena.

Halos magmakaawa na sa akin si Sheena na itigil na ang pagpapahirap sa kaniya nang isang beses niya akong makita. Akala niya, tutulungan ko siya dahil wala akong kasama no'n pero nang makita niyang pumasok si Grayson sa loob ng silid na kinaroroonan niya na may dala-dalang kahoy, doon niya lang napagtanto na bisto na siya at pinapahirapan siya dahil sa ginawa niya. Nagalit siya at halos sugurin na ako nang mapagtanto niya na halos mamatay na siya dahil sa 'kin pero bago pa man siya tuluyang makatayo, nahampas na siya ni Grayson ng kahoy. Ilang araw siyang pinahirapan ni Doris kasama iyong tatlong lalaki na halos sina Grace at MJ na ang pumatay.

Naisipan din nina Grace na ipagahasa si Sheena doon sa tatlong lalaki pero pinigilan ko sila. Ayos na iyong paghihirap ni Sheena. Oo nga't siya ang may gusto noong nangyari sa akin at gusto ko ring maranasan niya 'yung naranasan ko pero sobra na kapag ipinahagasa ko siya. Ayos na 'yon. Halos mamatay na siya, e.

Hinatulan nang pang-habangbuhay na pagkakabilanggo sina Sheena, Kris, Benjie, at Dante. Alam kong hindi pa sapat iyon kayla Daddy dahil maski ang kumpanya nina Sheena ay pinabagsak niya. Maraming kilalang tao si Daddy kaya naman ay naging madali lang iyon sa kaniya.

"Dapat makulong din sila! Halos mamatay na ako sa mga kamay nila tapos kami ang makukulong?!" Malakas na sigaw ni Sheena habang nakaturo sa direksyon namin.

Pilit siyang pinapakalma ng mga pulis habang hinihila na sila palabas ng korte. Ang mga magulang ni Sheena ay umiiyak na dahil sa sinapit ng anak nila. Halos magwala na rin ang pamilya ng tatlong lalaki habang pinapanood nilang ilabas sa korte ang mga ito.

"Miss, tumigil ka na. Galing ka kaya sa kulungan. Malamang may nakaaway ka na do'n lalo na sa ugali mong 'yan. 'Wag mo kaming idamay dahil demonyo ka habang anghel kami." Sambit ni Martin habang inosenteng nakangiti kay Sheena.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon