Chapter 09
Friends
-----
Pagod akong nahiga sa aking kama rito sa loob ng aking kwarto. Pagod ako galing sa biyahe at galing sa party na ginawa nina Miguel at Sam para sa akin.
Hindi man lang ako pinag-pahinga.
Ilang minuto akong nanatili sa aking pwesto bago muling tumayo at nag-tungo sa banyo upang mag-linis ng katawan. Ramdam ko ang pagkakalagkit ng aking katawan kaya naman ay napagdesisyunan kong mag-linis muna bago magpahinga.
After taking a short shower, I wore my pink Hello Kitty satin pajamas and did my night routine. I decided to fix my things tomorrow morning after I woke up so I could have a lot of energy.
Dahil sa pagod, mabilis akong nakatulog. Maaga pa rin akong nagising dahil iyon ang nakasanayan ng katawan ko. Sanay ako, e.
Naligo ako at nagsuot ng simpleng damit. It was a maroon halter-neck above the knee dress with my white ankle sandals. Sinuot ko rin iyong bigay sa akin ni Grandma na mga alahas bago ako bumaba ng bahay na dala-dala ang maletang naglalaman ng mga pasalubong ko.
Dumiretso ako sa dining area at hinayaan muna ang maleta sa may sala upang makakain ng almusal. Wala na si Daddy. Paniguradong nasa kumpanya na iyon at nagsisimula nang magtrabaho. Marami sigurong gagawin dahil ang aga niyang umalis. Lunes pa naman.
Nakita ko si Mommy na nilalagyan ng pagkain ang plato ng kapatid ko, si Joshua. Bagong ligo ang kapatid ko at halatang inaantok pa dahil papikit-pikit pa siya habang nakaupo sa kaniyang silya. Suot na rin niya ang kaniyang uniporme na may logo ng Ice Academy, kung saan siya nag-aaral, habang ang kaniyang asul na backpack ay nakalagay sa kaniyang katabing upuan.
Ngumisi ako kay Mommy nang mamataan niya ako. Nakita ko ang kaniyang pag-iling nang makita akong nag-tungo sa aking kapatid. Umupo ako roon sa bakanteng upuan sa tabi ni Joshua. Lumawak ang aking ngisi nang balingan ako ng aking kapatid.
"Aw. My brother is sleepy." Nakangusong sambit ko bago kurutin ang magkabilang pisngi niya. "Wake up, sleepy head! You will still count sheeps!"
"Ate!" Malakas niyang tawag habang nakasimangot ang mukhang pilit na tinatanggal ang aking mga kamay. "Masakit!"
Humalakhak ako bago siya tigilan. Hinawakan ko ang kaniyang baba at hinalikan siya sa kaniyang magkabilang pisngi na ngayon ay namumula na dahil sa akin. Nang tuluyan ko na siyang binitawan, nakasimangot pa rin ang kaniyang mukha.
Ang cute ng kapatid ko. Ako ba naman ang ate.
"Anitha, may pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong sa akin ni Mommy habang nakain ako ng hot dog omelette.
"Dito lang po ako sa bahay, Mommy. Why?" Sagot ko bago maglagay ng ketchup sa aking omelette.
"Ikaw na lang ang maghatid kay Joshua ngayong araw. Wala ang dalawa nating driver. Ang isa ay inutusan ng Daddy mo na pumunta sa Baguio para sa strawberries na binili niya habang ang isa ay kasama niya sa kumpanya. Hindi ko rin mahahatid ang kapatid mo dahil may pupuntahan rin ako." Ani Mommy na siyang agad kong tinanguhan.
Wala naman akong gagawin sa bahay at baka mamatay na ako sa sobrang boring kaya naman ay pumayag na ako. At isa pa, na-miss ko rin naman ang kapatid ko.
Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos dahil maayos na naman ako nang bumaba ako sa sala. Pag-uwi ko na lang aayusin ang mga pasalubong ko para maihatid ko ng matiwasay ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Spread Love (Evil Series #2)
Romance[Evil Series #2] He was lost when he met her. He was in pain when he smiled. He was in chaos when he fell. Being not chosen by the love of his life, he tried his best to heal himself while the woman who rejected him multiple times was missing. He wa...