Chapter 18

26 2 0
                                    

Slight.

Chapter 18

Confess

-----

"Ako na naman?!" Reklamo ko nang iabot sa akin ni Sam ang shot glass na may lamang alak.

"Anitha, 'wag kang feeling, ah? Pantay-pantay lang 'yan. Kakatapos ko lang din!" Asik sa akin ni Samantha.

"Sasakmalin na kita!" Sigaw ko bago kuhanin sa kaniya ang shot glass.

Malakas na napapalakpak sina Miguel at Sam nang mabilis kong naubos iyong alak. Red Label iyon kaya lasang-lasa ko 'yung pait. Mabilis ring gumuhit sa aking lalamunan ang mainit na pakiramdam. Pucha. Lasing na yata ako!

"Hindi pa ba kayo tapos?" Tanong ni Grayson habang pinapanood kaming tatlo.

"Kung gusto mo nang umuwi, umuwi ka na." Sambit sa kaniya ni Miguel bago ngumisi sa akin nang mapang-asar. "Isama mo na rin si Anitha. Lasing na, oh."

"Gusto mo sapak?" Pikon kong tanong sa kaniya.

Malakas akong tinawanan nina Miguel at Samantha dahil kami lamang tatlo ang nagkakaintindihan kung bakit. Si Grayson na nasa tabi ko ay napangiwi na lamang haang pinapanood kaming tatlo. Si Andrea na nakaupo sa gilid, malayo sa amin, ay kanina pa humahanap ng tiyempo upang makaalis na ngunit palaging nahuhuli ni Miguel. Hindi pinapatulan ni Andrea si Miguel sa tuwing kakausapin siya nito dahil alam niyang lasing na 'tong isa. Dapat lang. Baka sabunutan ko rin siya kagaya nang ginawa sa kaniya ni Sam kanina.

Mabilis kong yinakap ang aking sarili nang biglang umihip ang hangin. Narito kasi kami sa isa sa mga kubo rito sa resort nina Sam. Dito na lang kami kaysa sa bar, kung nasaan si Poppy na mukhang puppy. Maginhawa pa rito.

Lamigin nga lang ako. Tangina.

Nagulat ako nang may biglang nag-patong sa aking mga balikat ng isang jacket. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko ang katabi kong si Grayson na t-shirt na lamang ang suot. Nasa akin na kasi ang berde niyang zip-up jacket.

"Ayaw mo pang matulog?" Tanong sa akin ni Grayson nang maramdaman ang aking paningin.

"Mamaya na," Sagot ko kasabay nang pag-iwas ko ng tingin mula sa kaniya.

Mabilis akong napangiwi nang makita si Sam na diretso pa rin ang upo. Mukhang kami lang ang nalalasing dito, ah? Pucha. Naduga ako.

Inagaw ko mula sa kamay ni Samantha iyong bote ng Red Label na siyang dahilan upang tingnan niya ako. Kinindatan ko siya na siyang ikinangisi niya dahil alam na niya ang gagawin ko.

"Migs," Tawag ko habang pinupuno ang plastik na baso para sa kaniya. "Para sa 'yo."

Nag-angat ng tingin sa akin si Miguel nang marinig ang sinabi ko. Tiningnan niya ang basong tinulak ko palapit sa kaniya bago iyon ininom ng diretso, hindi nakita kung gaano kataas iyon.

"Isa pa," Aniya habang inaabot sa akin iyong baso niya. "Puno."

Nagkatinginan kami ni Sam bago ibigay ang gusto ni Miguel. Inilapit ko na rin sa kaniya iyong bote bago tumayo at lumipat sa kaniyang tabi.

Muntikan pa akong matumba dahil sa biglaang pag-tayo na siyang dahilan nang aking pagkahilo. Mabuti na lamang ay mabilis akong naibalanse ni Grayson patayo na siyang ipinagpasalamat ko.

"Miguel," Tawag ni Sam. "May gusto lang akong itanong sa 'yo."

"Hindi pa 'ko lasing." Aniya na siyang dahilan upang mapangiwi ako.

"Bakit?!" Reklamo ko.

"Anitha, ikaw 'yung lasing sa ating dalawa." Wika sa 'kin ni Miguel bago ako irapan. "Bumalik ka na sa kwarto mo. Malamig at mahamog na. Mabilis ka pa naman magkasakit. Pagalitan pa 'ko ni Tito Samuel."

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon