Chapter 13

26 3 0
                                    

Chapter 13

Parking Lot

-----

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang dalawang set ng damit na nakapatong sa aking kama. Hindi ko alam kung ano sa dalawa ang isusuot ko para ngayong araw. Hindi ako makapili.

The first one was my white halter-neck above the knee dress with my beige pump heels and beige handbag. My black blazer was beside them. My accessories were there too.

The second one is my white sleeveless and backless bodycon with my black pump heels and black handbag. I won't wear any blazers and just let my body to expose. My simple accessories were there.

"Ano ba dapat ang isuot ko?" Nakakunot ang aking noong tanong sa sarili ko.

Saan ba ako pupunta? Sa school bago sa company. Magtratrabaho ako. Tama. Magtratrabaho ako.

Pero magkikita muna kami ni Grayson bago ako dumiretso sa kumpanya!

Tangina. Mag-two-piece na lang kaya ako?

Sa huli, napag-desisyunan kong suotin ang puting bodycon. May extra blazer naman ako sa kotse. Suotin ko na lang 'yon mamaya kapag nilamig ako. Meron rin naman ako sa opisina. Lamigin ako kaya palagi akong may extra.

Halos ipaligo ko na sa sarili ko ang paborito kong pabango. Hindi ko rin kinapalan ang makeup na nilagay ko sa mukha ko dahil gusto kong mag-mukhang natural lang ang kagandahan ko.

Hindi ko na naman na talaga kailangan ng makeup para maging maganda. Nag-lalagay lang ako ng makeup para mas maging confident ako. Feeling ko kasi, ako na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa tuwing may makeup ako sa mukha.

Dumiretso ako ng dining area pag-baba ko sa bahay upang makakain na ng almusal. Nagulat pa ako nang makita si Daddy na nakain ng almusal. Medyo late na rin naman, ah? Bakit nandito pa si Daddy? Dapat nasa company na siya ngayong oras, ah?

"Dad, Mom," Bati ko sa kanila.

Binati ko rin ang kapatid ko na saganang-saganang kumakain ng almusal. Suot niya ang P. E. uniform niya kaya napagtanto ko na mag-lalaro sila ngayong araw. Kaya siguro ganito na lang ang inaasta niya.

"Good morning," Bati sa akin ni Mommy habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matutuwa dahil sa nangyayari ngayong araw. Hindi ko rin alam kung maganda ba 'to o ano dahil minsan lang 'to. I mean, ngayon lang 'to.

Mas madalas na asikasuhin ni Mommy si Joshua dahil ito ang pinakabata sa amin. Minsan lang din makasabay sa amin si Dad sa agahan at kapag dinner naman, madalas na sina Mommy at Joshua lang ang nakain mag-kasama dahil sa labas na rin ako nakain. Si Dad naman ay palaging may meeting tuwing gabi. Dinner na rin niya 'yon.

Ano bang meron ngayon?

"Anak," Pag-tawag sa akin ni Mommy habang nakaupo sa aking unahan. "Wala ka bang gustong sabihin sa amin ng Daddy mo?"

Napakurap ako nang marinig ang sinabi ni Mommy. Sasabihin? Ano naman ang sasabihin ko? Sa pagtataka ay umiling ako sa kanila nang walang sinasabi. Wala naman akong sasabihin sa kanila. Baka may gusto silang sabihin ko? Like, may boyfriend na 'ko? Wala akong boyfriend!

"Are you sure, Anitha?" Paninigurado sa akin ni Daddy habang mariin ang tingin sa akin.

"Sigurado po, Dad. Wala pa naman pong nangyayari sa akin o sa kumpanya. May gusto po ba kayong malaman?" Subok ko upang malaman na ang gusto nilang marinig.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon