Chapter 28

20 2 0
                                    

Chapter 28

Dwynna

-----

Death was so unexpected.

Sometimes it is expected. But when Grandma died in front of me, it was so unexpected.

Hindi ko inaakala na gano'n na pala kalala ang sakit niya para mamatay siya mismo sa harapan ko. She was just smiling at us when she suddenly got a heart attack. I was so stunned that I couldn't even move while my eyes were on her, watching how her life ended in front of me.

I couldn't move. I couldn't talk. I just stared at her while she was between life and death. Or when death was already taking her.

It felt like she just waited me to come and visit her. Like she waited me to ask her for a good name for her grandchild from me. To smile while asking her a suggestion about names.

"Condolence, hija." Sambit ni Mama habang nakahawak sa kamay ko.

After Grandma died right in front of me, I realized that no matter how you want that person to stay, won't ever stay when it's already her time to leave. Na kahit anong gawin ko, hindi ko na siya mababalik. Hindi ko na siya makakasama pa ulit.

Condolence. A word that people thought can make the family of the dead person feel better. But no. I didn't even get feel better whenever I heard their condolences. I feel worst. Mas pinapaalala lang nila na nawalan kami. Na namatayan kami.

Mabilis na kumalat ang balitang wala na si Grandma dahil isa siya sa mga nag-handle ng Maedallin noon. Marami ang bumisita sa kaniya sa burol niya. Lalo na dahil inuwi pa namin sa Pilipinas 'yung bangkay niya dahil nandito halos lahat ng kamag-anak namin. Isa pa, kung nasa ibang bansa man ang iba naming kamag-anak, kaunti lang 'yon.

Sinamahan ako ni Grayson na maupo sa harapan ng kabaong ni Grandma. Namumugto pa rin ang mga mata ko galing sa pag-iyak habang patuloy akong pinapakalma ni Grayson. Hindi niya ako iniiwan. Sa katunayan, hindi siya umaalis sa tabi ko. Hawak niya lang ang beywang ko habang ang isa niyang kamay ay pinupunasan ang mamasa-masa kong mga pisngi.

Hindi ako pinipigilang umiyak ni Grayson. Pinapakalma niya lang ako. Sinubukan ko namang kumalma dahil alam ko na ang pinaka-maaapektuhan nang lahat ng mga ginagawa at nararamdaman ko ay 'yung anak naming dalawa. Kalmado na ako pero tangina. May kailangan talagang gumulo ng buhay ko.

"Condolence."

Hindi ako nag-angat ng tingin nang marinig ang boses na 'yon. Sinundan pa 'yon ng mga mahihinang bulungan na para bang walang patay sa harapan namin. Na para bang walang nakaburol sa harapan. Tangina.

"I appreciate that you came, Mr. Ledasma... Miss Ledasma." Rinig kong bati ni Daddy sa mga Ledasma na nakiramay sa amin.

Hindi ko sila pinansin dahil ano naman ang pakialam ko kung nandito sila? They are here to send their condolences. Para kay Grandma. Hindi para sa kahit na ano na may kinalaman sa trabaho. Para lang kay Grandma.

Patuloy lamang sa pagpapakalma sa akin si Grayson kahit na kalmado na ako pero nakatulala pa rin sa unahan, hindi matanggap ang biglaang pagpanaw ni Grandma. Patuloy lang din sa pag-uusap sina Daddy pati na rin 'yung mga Ledasma.

Hindi naman ako bumati sa kanila dahil una sa lahat, hindi ako plastik. Ayoko sa anak nila. Ayoko kay Sheena. Baka murahin ko lang siya dahil sa mga sinabi niya tungkol sa 'kin. 'Wag niya lang subukang lumapit at kausapin ako. Makakatikim talaga siya ng kasungitan na talagang kinakatakutan nina Miguel at Sam tuwing may nangyayaring masama. Puta.

"Grayson..."

Tangina.

"Condolence."

"Thank you for coming, Miss Ledasma." Rinig kong sabi ni Grayson habang patuloy sa pag-himas ng likod ko.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon