Chapter 29

21 3 0
                                    

Chapter 29

Red

-----

"Lazoenna Dwynna Ashwood," Ulit ko sa maganda't mahabang pangalan ng anak ko sa harapan ni Beia.

"Why is her name so long again, Anitha?!" Nakakunot ang noong tanong sa akin ni Samantha habang nakain ng carbonara sa harapan ko.

"Grayson and I made Lazoenna because Grandma wants us to name her Zoe. We made it Lazoenna since I was obviously really like to annoy Laze when I was pregnant. Dwynna from Grandma's name. Edwynna. Iba lang ang pronounce, but same sila ng spelling. Tanggalin mo lang 'yung letter e sa name ni Grandma." Sagot ko bago uminom ng tubig.

"Ang ganda talaga ng name niya. Halatang pinagpuyatan." Sambit ni Miguel bago tumawa.

"Why are you her godfather again?" I asked, furrowing my eyebrows.

Ngayon ang araw ng binyag ni Zoe. Actually, tapos na iyon. Nandito na kami sa bahay namin at pinapakain na iyong mga bisita ni Zoe. Her ninangs and ninongs, of course. Si Mama pa ang nagluto ng mga handa katulong si Grace at Grayson. Gusto ko rin sanang tumulong kaso walang magbabantay kay Zoe kaya silang tatlo lang.

Wala sina MJ at Jake dahil nasa hospital na sila. Ngayong buwan kasi ang due ni MJ at ayaw i-risk ni Jake si MJ pati na rin 'yung anak nila. Doon muna sila hanggang sa manganak na si MJ. Mabuti na lang ay sinama nina Samantha sina Justin at Jaira sa binyag kaya may kalaro na naman ang kapatid ko.

"Shit ka! Shit!"

Mabilis kong tiningnan ng masama si Grayson nang marinig ang boses niya. Naramdaman niya ang tingin ko kaya naman ay mabilis niyang itinikom ang kaniyang bibig.

Ilang araw ko nang sinasabi sa kaniya na pigilan niya ang sarili niya sa pagmumura kapag nasa paligid si Zoe! Anong klaseng tatay 'to?! Napaka-bad influence sa anak niya! 'Pag mura ang first word ni Zoe, lagot talaga sa 'kin 'tong si Grayson!

Inilipat ko ang aking mga mata kay Zoe na buhat-buhat ni Grayson. Nakita ko siyang papikit-pikit habang suot-suot ang puting bestida na pinasuot ko sa kaniya. May suot siyang malambot na headband sa ulo na kulay pink habang ang palapulsuhan naman niya ay may maliit na cross bracelet.

Mabilis akong tumayo at naglakad palapit kay Grayson. Tiningnan niya si Zoe nang mapansin ang tingin ko roon. Nakita ko ang bahagyang pagtawa ni Grayson nang makita ang anak niyang kaunti na lang ay makakatulog na sa mga braso niya.

"Baby," Tawag ko kay Zoe kasabay nang pag-kuha ko sa kaniya mula kay Grayson na tumingin sa 'kin. "Wanna sleep? Huh, baby?"

Zoe didn't answer, of course. Her eyes were already closing when I started to sway her to make her sleep. Her tiny hands were reaching me, but eventually stopped when she was already falling asleep.

"Hindi pa ako inaantok." Rinig kong sambit ni Grayson habang nakatingin sa 'kin.

Kumunot ang noo ko bago siya balingan. His eyes were soft while looking at me like he was a puppy of mine.

"Hindi naman kita tinatanong," I scoffed before walking away from him.

I heard Grace laughed at him when she heard what I said. Her laugh was in her mocking way which sounded offending Grayson.

Hindi ko sila pinansin at nagpaalam na lamang sa mga bisita na inaantok na si Zoe. Sinabi ko na papatulugin ko lang si Zoe sa kwarto niya kaya naman ay mabilis na nag-prisinta si Mama na siya na ang magpapatulog kay Zoe. Hindi naman ako makatanggi dahil nakuha na rin naman niya mula sa 'kin si Zoe.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon