Chapter 10

56 4 0
                                    

Chapter 10

Saw

-----

After Lamy's first birthday party, we, guests, immediately went home. We were so tired because of the party. We played with the kids and ate a lot too. I even fetched Joshua from school so he could attend Lamy's birthday. Samantha is his ninang anyways. Then, I'm Samantha's son's ninang.


Joshua immediately changed his clothes before he fell asleep. It was already late for him because he still had school after that day. And because I was at fault, I did his homework. Madali lang naman. Addition lang. Basic.


I took a half-bath before wearing my pajamas. I did my night routine before I went on my bed, to lie on it.


My laptop was on my bed too, window's opening. I want to chat my workmate. I want to know what's going on at our work before I start working again. Ayokong mangapa pagka-balik ko. Gusto kong alam ko na ang gagawin ko 'pag bumalik na ako.


Habang hinihintay ang pagbubukas ng laptop, natamaan ng aking mga mata ang pulang kahon na nakapatong sa study table ko. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko iyon nakilala hanggang sa maalala ko ang regalong ibinigay sa akin ni Grayson.


Tumayo ako at lumapit roon. Pinagmasdan ko muna 'yon bago tuluyang kuhanin at dalhin hanggang sa kama ko. Doon ko na lang bubuksan 'yon.


Sumulyap muna ako sa laptop kong hindi pa rin bumubukas bago ko simulang buksan ang regalo. Wala akong ideya kung ano iyon dahil hindi ko naman talaga inaasahan na bibigyan ako ni Grayson ng ganito. Ng regalo.


Ngayon ko lang rin iyon mabubuksan dahil ngayon ko lang rin naman 'yon naalala. Masyado akong naging abala kaya nawala na sa loob ko. Nakalimutan ko na.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano iyon. It's the latest DLSR camera! Kumpleto pa 'yon. May bag at stand na. Given na na mayroon nang kasamang battery at charger iyon. Mayroon pa ngang customized lace iyon. The lace has my first and second name in cursive way. It was black lace while the text on it was white. It was simple yet looked elegant.


Pati iyong bag at stand ay may pangalan ko. Halatang mamahalin ang mga iyon dahil halatang customize para sa akin. Pare-pareho lang ng design ang mga iyon para malamang akin talaga iyon.


Sobrang lawak ng ngiti ko habang sinusuri ang camera nang maalala ko ang mensahe sa akin ni Grayson tungkol sa regalo niya. Tangina. Isauli ko kaya 'to?!


Bulok. Bulok na raw ang camera ko! Gago ba siya?! Gago, amputa.


Mabilis kong nilikom ang mga iyon bago ilagay sa drawer ng sidetable ko. Mabilis akong lumapit sa laptop ko na kanina pa bukas bago ako pumunta sa Messenger at hanapin ang pangalan ni Grayson.


Agad kong pinindot ang pangalan niya nang makitang naka-online siya. Tangina niya.



Anitha Ruth: Hoy, putangina mo


Grayson: Ang gandang bungad naman niyan


Grayson: Hello rin sayo!


Grayson: 🙂


Anitha Ruth: Putangina mo


Grayson: Putangina mo rin


Anitha Ruth: Bakit mo ako niregaluhan ng camera tapos sasabihin mo pang bulok yung akin?! Gago ka ba?!


Grayson: Slight lang.


Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon