Chapter 07

34 4 2
                                    

Chapter 07

Tower

-----

I wore my white t-shirt that I tucked inside my black high waisted denim shorts under my pastel pink long cardigan which I partnered with my white running shoes. I let my hair free as my face wore a thin makeup.

I sprayed my favorite perfume all over my body before getting my white sling bag, where all my important things were in. I went out from my room and went downstairs.

I stilled for seconds when I saw Grayson sitting on our couch while drinking a glass of water while his eyes were on the magazine he was holding.

I surveyed him and noticed that we almost wear the same thing. He was wearing his white t-shirt that he partnered with his denim ripped jeans under his navy blue unbuttoned dress shirt. His black sunglasses were on his t-shirt's collar.

Fuck. What's wrong with me?!

"Ayan na pala ang senyora." Wika ni Grayson nang makita ako.

Inirapan ko siya bago maglakad papalapit sa kaniya. Mabilis rin siyang tumayo bago ako pagmasdan mula ulo hanggang paa.

"Nice. Couple shirt." Biro niya bago tumawa ng malakas.

"Neknek mo, couple shirt." Wika ko bago maglakad palabas ng bahay.

Narinig ko ang asar niyang singhal bago sumunod sa akin palabas ng bahay. Nasa terrace muli si Grandma at may kausap na mga koreano at koreana na hindi ko kilala. Wala na rin naman akong balak na kilalanin pa sila.

"Grandma, aalis na po kami." Pagpapaalam ni Grayson nang makalabas ng bahay.

"O, sige. Mag-ngat kayo, ha? Uulan raw ngayon. Magdala kayo ng payong." Bilin ni Grandma bago kami tuluyang makaalis.

Uulan ngayon? Iyon nga ang sabi sa tv. Hindi naman ako naniniwala dahil hindi naman lahat nang sinasabi nila ay tunay. Mali-mali rin naman. At isa pa, nakakatamad magdala ng payong. Putek.

Sumakay kami ni Grayson ng taxi patungo sa Wando-gun tower. Hindi namin kasama ngayon si Aemie dahil may inutos sa kaniya si Grandma. Malapit na kasi ang uwi ko kaya maraming inuutos si Grandma kay Aemie. Si Hakeem ang palaging kasama ni Aemie kung saan-saan. Si Grayson na ang palaging pinapasama sa akin ni Grandma.

Hindi ko nga alam kung napipilitan ba o gusto talagang sumama ni Grayson. Baka nakakaabala na ako kaya paminsan-minsan na lang ako naalis. Sa totoo lang, inutusan lang ako ni Grandma na magpunta sa Wando-gun tower dahil ilang linggo na akong nakatambay sa bahay.

Agad kaming bumaba ni Grayson mula sa taxi nang makarating na kami sa tower. Hapon na at mamaya-maya pa kami aakyat para mas maganda ang view, sabi niya. Iikot raw muna kami para bumili ng mga pasalubong na dadalhin ko sa Pilipinas.

Nangunguna ako sa paglalakad patungo sa isang souvenir shop. Nasa likuran ko lang si Grayson, nakasunod sa bawat hakbang ko.

"Oh," I reacted when I entered the shop.

It was so simple at the same time elegant. Pang-mayaman ang datingan. I thought the things inside the shop were expensive, but when I saw the price, it was so cheap. I can buy a lot of things from here.

"Para kanino ba ang bibilhin mo? Tulungan na kita para mas mabilis." Sambit ni Grayson mula sa aking likuran.

"For Joshua," I answered without looking at him.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon