Chapter 21

27 4 0
                                    

Chapter 21

Test

-----

Nakangiwi kong pinanood si Grayson na naglakad palayo sa amin. Nakita ko siyang umupo roon sa table kung saan nakaupo sina Martin na pinapanood kami, ilang table ang layo sa 'min.

Grabe. Parang bata, ah?

"What's that?! What was he saying, Anitha Ruth?!" Sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Beia nang tuluyan nang makalayo sa amin ni Grayson.

"Wala!" Singhal ko bago kainin ang wrap na kanina ko pa hawak.

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Beia habang nginisian lamang ako ng makahulugan ni Wesley. Hindi ko na sana sila papansinin dahil ayokong may malaman sila nang hindi talaga ako tinitigilan ng kanilang mga mata.

Pinanlakihan ko sila ng aking mga mata bago ko sila iduro gamit ang aking hintuturo.

"Tutusukin ko 'yang mga mata na 'yan!" Banta ko.

"Siya ba 'yung boyfriend mo?!" Beia asked, suspiciously.

Muntik ko nang maibuga ang tubig sa bibig ko nang marinig ang sinabi ni Beia. Mabuti na lamang ay napigilan ko iyon dahil kung hindi, basa na ang mukha ni Beia ngayon.

"Confirmed." Beia said before she stood up which made my eyes widened.

Fuck!

Mabilis din akong tumayo upang habulin si Beia na eleganteng naglalakad patungo sa table nina Grayson. Bago pa man siya tuluyang makalapit ay mabilis ko na siyang napigilan kasabay nang pag-takip ko sa kaniyang bibig.

"Wala nga akong boyfriend." Mahina kong singhal sa kaniya habang hinihila siya pabalik sa table namin.

Sinubukang tanggalin ni Beia ang aking kamay sa kaniyang bibig ngunit pinakawalan ko lamang siya nang maiupo ko na siya muli sa aming table. Hindi naman umalis sa pwesto si Wesley at pinapanood lang kami habang may nanunuyang ngisi sa kaniyang mga labi.

"Bakit? Secret on ba kayo? Gosh, ha! Hindi na kayo high school!" Irap sa akin ni Beia.

"Hindi nga kami! Wala akong boyfriend! Wala! As in wala! Single ako! Single hindi taken!" Singhal ko sa kaniya.

Natigilan ako nang makita kung paano ngumuso sa akin si Beia dahil sa hiya habang si Wesley naman ay tinatawanan na ako. Ganoon na lamang ang pagpikit ko ng aking mga mata dahil sa hiya nang mapagtanto na napalakas ang aking boses nang sabihin ko 'yon.

Namumula ang mukha, tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking parehong palad kasabay nang aking pagyuko upang hindi makita ang aking mukha. Narinig ko pa ang nanunuyang tawa nina Wesley at Beia sa akin dahil sa kahihiyang pinagdadaanan ko.

"Gusto mo gawin kitang taken?"

Hindi ko alam kung iaangat ko ba ang paningin ko o hindi nang marinig ang boses ni Grayson. Isama mo pa 'yung tanong niyang 'yon. Hindi man lang nahiya o ano! Pucha.

Bahagya kong sinilip si Grayson nang mapagtanto na nakatayo siya sa aking gilid. Medyo kalmado na siya ngayon hindi kagaya kanina. May pang-aasar na naman sa kaniyang mukha habang kitang-kita na naman ang malalalim niyang mga biyol.

"Ayoko nga," Bulong ko bago umiwas sa kaniya ng tingin.

"Choosy ka pa," Rinig kong bulong niya rin.

Naramdaman ko siyang yumuko palapit sa akin habang ang kaniyang kamay ay nasa lamesa kung saan nakatungkod ang aking siko. Bahagya kong nakagat ang aking pang-ibabang labi nang maramdaman ang kaniyang mainit na hininga sa aking leeg dahil sa lapit ng kaniyang mukha sa akin.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon