Chapter 35
Grayson
-----
Isang malakas na sampal ang iginawad ni Mama kay Grayson. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko habang pinapanood si Mama na saktan ang sarili niyang anak dahil sa ginawa nitong sagot. Sino ba naman ang matutuwa kung narinig mo 'yung anak mo na umaming may pinatay siya?
"Pumatay ka?! Nasisiraan ka na ba ng bait, ha, Grayson?! Alam kong pumayag ako na sumali ka rito pero alam mo 'yung kasunduan nating hindi ka papatay! Hinayaan na kitang sumama sa kanila kanina para bawiin si Zoe pero hindi ko sinabing pumatay ka! Baliw ka na ba?!" Galit na sigaw ni Mama kay Grayson na nanatiling tahimik sa harapan niya.
Malakas ang pag-iyak ni Zoe dahil sa ginawang pag-sigaw ni Mama. Kahit ako rin naman ay gusto nang maiyak dahil sa sitwasyon ko ngayon. Ngayon ko lang nakitang nagalit si Mama nang ganito. Oo nga't nakikita ko siyang pinapagalitan si Grayson minsan pero iba ngayon. Iba 'yung galit niya ngayon.
"Akala ko ba, ayos na 'yung kasunduan natin?! 'Di ba, pumayag na ako na sumali ka rito?! Bakit kailangan mo pang pumatay?! Sagutin mo ako, Grayson!" Malakas na sigaw ni Mama habang hinahampas sa dibdib si Grayson.
"Mom..." Mahinang tawag ni Grayson kay Mama.
Dinig ko ang pagod sa boses niya habang unti-unti nang namumuo ang mga luha sa mga mata niya. Bakas na rin ang pagod sa mga mata niya habang namumungay ang mga mata niyang nakatingin kay Mama.
"Hindi ko napigilan..." Mahinang sambit niya.
Mabilis na napaupo sa sahig si Mama nang marinig ang sinabi ng anak niya. Maski ako ay napaluha na rin habang pinag-mamasdan ang asawa kong lumuluha sa harapan namin. Mabilis na dumalo si Grayson kay Mama ngunit agaran siyang tinulak nito.
"Mom..." Naiiyak na tawag ni Grayson habang pilit na hinahawakan si Mama na patuloy siyang tinutulak palayo. "I'm sorry..."
Malakas na napahagulgol si Mama nang marinig ang sinabi ni Grayson. Hindi na siya nakapalag nang yakapin na siya ni Grayson habang sinasabayan siya sa pag-iyak. Rinig ko ang paulit-ulit na pag-hingi ng patawad ni Grayson kay Mama habang walang humpay sa pag-tulo ang mga luha niya.
Naluluha akong nag-iwas ng tingin mula sa kanila habang pilit na pinapatahan si Zoe. Alam yata niyang naiyak ang mga magulang niya kaya naman ay nakikiiyak din siya.
"Bakit kailangan mong pumatay, Grayson? Hindi mo naman kailangan gawin 'yon... Sinabi ko naman sa 'yo, hindi masama ang magalit minsan, hindi ba? Sinabi ko naman sa 'yo na ayos lang na mag-labas ng galit. Kaya nga ako pumayag na sumali ka rito para malabas mo 'yung galit mo, 'di ba? Pero wala akong sinabing pumatay ka. Grayson, wala akong sinabing pumatay ka!"
Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Mama kay Grayson. Alam niyang miyembro ng Evil Mafias si Grayson? Pumayag siya? Kahit alam niyang delikado?
"Hindi ako hahayaang makulong nina Jake, Mommy. Bumawi lang ako. Hindi ko naman kasalanan na mahina sila. Wala naman talaga akong balak na patayin sila. Mahina lang sila." Napaawang ang labi ko nang sambitin iyon ni Grayson na wala man lang bakas nang pag-sisisi.
"Hindi ka makukulong pero 'yung katotohanang pumatay ka, pang-habangbuhay na 'yan!" Malakas na sigaw ni Mama.
Gusto ko sanang sumali sa usapan nila ngunit alam kong mas mabuting manahimik na lang ako. Lalo na na wala akong makitang bakas ng kahit anong pag-sisisi mula kay Grayson. Humingi lang yata siya ng tawad dahil hindi niya nasunod 'yung pangako niya kay Mama.
Nagulat ako, pati na rin si Grayson, nang mabilis na tumayo si Mama habang pinupunasan iyong mag-kabilang pisngi niya. Tumigil na siya sa pag-iyak at halatang kinakalma na niya ang sarili niya. Nag-simula na siyang humakbang palabas nang tawagin siya ni Grayson.
BINABASA MO ANG
Spread Love (Evil Series #2)
Roman d'amour[Evil Series #2] He was lost when he met her. He was in pain when he smiled. He was in chaos when he fell. Being not chosen by the love of his life, he tried his best to heal himself while the woman who rejected him multiple times was missing. He wa...