Chapter 25

22 2 0
                                    

Chapter 25

Gender

-----

Nakasimangot ako habang nakaupo sa tabi ni Grayson. Hawak niya ang aking beywang habang ang isa niyang kamay ay pinaglalaruan ang aking mga daliri. Kanina niya pa ako pinapakalma dahil kanina pa rin ako nagrereklamo sa kainipan.

"Sandali na lang, Anitha. Tayo na ang susunod." Malambing na bulong ni Grayson sa akin habang pinapanood ang pag-kunot ng noo ko.

"I want to go home! Kanina pa tayo dito!" Singhal ako dahilan upang halos takpan na ni Grayson ang bibig ko.

"Wala pang sampung minuto nang makarating tayo dito, Anitha. Dumaan na nga tayo sa mall para lang hindi ka mainip, 'di ba? Hintayin na lang natin. Ikaw na naman na ang susunod na tatawagin." Malumanay niyang bulong habang nilalaro ang aking mga daliri.

Iritado kong nilayo sa kaniya ang aking kamay bago mag-kabit balikat. Nanatiling nakakunot ang aking noo habang tikom na tikom ang aking bibig. Bumuntong hininga si Grayson kasabay nang kaniyang pag-bulong.

"Triple ang kasungitan. Amputa." Mahina niyang bulong na siyang dahilan upang matalim ko siyang binalingan.

"What are you whispering?!" Singhal ko sa kaniya.

"Sabi ko, ang ganda mo." Mabilis niyang sagot bago ako ngitian. "Smile ka naman diyan. Mas maganda ka kapag nakangiti."

Umirap ako bago muling sumimangot sa kaniyang tabi, iritado pa rin dahil sa kainipan. Pa'no ba naman! Ang tagal-tagal tawagin no'ng pangalan ko! Naiinip na ako!

"Villamor, Anitha Ruth,"

Mabilis akong tumayo nang marinig ang pangalan ko. Mabilis na sumunod sa akin si Grayson upang alalayan ako papasok ng silid. Nginitian ni Grayson iyong OB ko nang makapasok kami habang nanatiling nakasimangot ang mukha ko.

Tangina kasi. Kanina pa! Inip na inip na talaga! Uwing-uwi na ako! Gusto ko na lang humiga sa kama at matulog! Pucha!

Nang matapos ang check-up ko ay mabilis kaming dumiretso ni Grayson sa mall upang bumili ng baby stuff na pwedeng makapag-reveal ng gender ng baby namin. Of course, we already know what to buy since we already know the gender of our baby.

Marahang hinawakan ni Grayson ang aking beywang nang papasok na kami sa bahay nila. I was the one who was holding the toy that we bought since Grayson was carrying the box of cake we also bought. The cake and the toy are going to reveal the gender of our baby.

When we entered the house, they were already complete. Kami na lang ang hinihintay at mukhang talagang kanina pa kami hinihintay. They all looked at us as soon as we entered the house.

"What is it? What's the gender of my grandchild?" Bungad ni Mama. She looked and sounded so excited while she was walking towards us. Mas excited pa siya sa 'min ni Grayson, sa totoo lang.

"Later, Mommy." Grayson said as he wiggled his eyebrows at his mother.

"Ang dami mong alam, Grayson." Singit ni Grace bago kuhanin sa kamay ko ang paperbag na hawak ko. "'Wag sana mamana sa 'yo 'yan ng inaanak ko."

"Sinong nag-sabing ninang ka?" Pambabara ni Grayson bago ako marahang hilahin papunta sa dining area.

"Grayson, tangina mo! Wala kang kwentang kaibigan!" Rinig kong sigaw ni Grace sa iritadong tono.

"Ngayon mo lang nalaman?!" Balik ni Grayson.

"Mga isip-bata," Nakangiwing bungad ni MJ nang makarating na kami sa dining area.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon