Chapter 05

47 4 1
                                    

Chapter 05

Bike

-----

I wore my white cropped tube top under my v-neck lilac cropped cardigan which matched with my pastel pink high waisted wide leg trousers. The first button of my cardigan was the only one that was closed. I also wore my white running shoes and lilac scarf as my headband.

I was only wearing my lipgloss when I went out of my room with a small key on my hand. I was also holding my DLSR camera and iPhone.

I went down and saw Hakeem entered the room. He told me that the bike that I just bought was already fixed which made me thanked him.

Natutuwa akong lumabas ng bahay ni Grandma upang tingnan ang bike na kakadating lang galing online shop. Nasa labas si Grandma habang nainom ng tsaa. Bukas na bukas ang gate ng bahay dahil gusto makita ni Grandma ang daanan. Dahil na rin halos lahat ng nakatira rito ay kilala si Grandma at gusto siyang makausap. Lahat nang napapadaan ay binabati muna siya.

"Be careful, apo." Wika ni Grandma nang makita akong hinihila palabas ang bike.

"Yes, Grandma." Sambit ko bago tuluyang makalabas ng gate.

Tinawag ko muna si Aemie upang makuhanan niya ako ng litrato gamit ang DLSR ko. Marami rami rin iyon dahil tumigil lang siya nang mangalay ako kakangiti.

Nilapag ko ang DLSR camera ko sa lamsesa kung saan nakaupo si Grandma. Kinain ko muna ang isang stick ng fish cake na nakahanda sa lamesa ni Grandma bago muli akong maglakad patungo sa aking bike.

"Anitha! Do you even know how to ride a bike?!" Malakas na tanong sa akin ni Grandma.

Humarap ako kay Grandma habang nakahawak sa handle ng bike. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya bago dali-daling umiling.

Nakita ko kung paano umawang ang labi ni Grandma nang makita ang pag-iling ko. Totoo 'yon. Hindi ako marunong gumamit ng bike dahil walang nagturo sa akin. O dahil takot ako.

May sasabihin pa sana si Grandma nang kumaway na ako sa kaniya. Nasa puting basket naman ng beige na bike ang mga gamit ko. At iyon ay ang aking cellphone at wallet. Iniwan ko kay Grandma iyong camera ko dahil masyado iyong malaki at baka mawala ko pa. Sayang naman.

Lumayo lamang ako ng kaunti sa bahay bago ko sinubukang umangkas. Alam ko kung paano umangkas at gamitin iyon, hindi ko lang talaga kaya.

Nakakailang pidal pa lamang ako ay agad na akong napatigil dahil muntikan na akong mawalan ng balensa. Napangisi ako dahil roon. Hindi ako magkakasugat dahil lang rito.

Muli akong pumidal at agad na napangisi nang mag-tuloy-tuloy iyon. Akala ko ay dire-diretso na ako sa pag-pidal nang mawalan ako ng balanse.

Mahina akong napamura nang makakita ng maliit na galos sa aking kamay dahil sa biglaang pagbagsak sa lupa. Hindi ko kasi agad nabalanse ang sarili kasama ang bike dahil sa bilis kong mag-pidal kanina. Tangina.

Mabilis akong tumayo at pinagpag ang sarili bago itayo ang bisikleta. Huminga ako ng malalim at muling umangkas roon. Mahigpit ang aking pagkakahawak sa handle ng bike habang mariin ang aking tingin sa unahan. Dinilaan ko ang aking pang-ibabang labi bago magsimulang pumidal.

Napangiti ako nang magtuloy-tuloy muli ako. Unfortunately, a child was walking which made my eyes widened.

Kinakabahan kong iniapak ang aking kanang paa sa lupa upang pigilan ang bisikleta sa pag-andar. Nakita iyon ng bata kaya mabilis itong tumakbo papalayo sa akin. Nakahinga ako ng maluwag roon ngunit nagulat ako nang bigla akong mawalan ng balanse.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon