Chapter 27

17 3 0
                                    

Chapter 27

Life

-----

After our marriage, Grayson and I stayed at our own house. Yes, we have our own. I heard that Grayson used his own money to buy the house. He bought a house in Cavite and Manila. He made me chose where I want to live kahit na ang sabi niya ay pwede naman kaming palipat-lipat. I chose Manila. Nandoon ang pareho naming pamilya. Kahit na halos nasa Cavite ang lahat ng kaibigan niya, pumayag siya sa gusto ko.

Actually, iyong Ice Academy ay naka-base sa Cavite. Malayo talaga ang binabiyahe ni Joshua para lang makapasok siya. Minsan nga, tinanong ko siya kung gusto niya lumipat. Nagalit lang siya sa akin. Hindi niya ako pinansin ng dalawang araw dahil sa tanong kong 'yon! Pucha.

May bahay naman talaga kami sa Cavite. Mas pinili lang namin na dito tumira dahil sa kumpanya. Sinubukan nga naming ilipat si Joshua ng school dahil sobrang layo talaga pero ayaw niya. Ang sabi pa niya, hindi na lang daw siya mag-aaral kung hindi siya sa Ice Academy papasok. Puta. Ang drama niya!

May mga kasama kami ni Grayson sa bahay dahil nga buntis ako at ayaw ni Grayson na pakilusin ako. Ang sabi ko naman ay kaya kong magluto o maglinis ng bahay pero ayaw niya at talagang nagsumbong pa siya kayla Mommy at Daddy na pinagalitan agad ako. Si Mama lang 'yung nakikinig sa 'kin pero kinausap niya rin ako tungkol do'n. Ang sabi niya, mas mabuti daw na may kasama kami sa bahay dahil delikado pa rin daw sa labas. May tatlong kasambahay, isang chef, isang driver, at tatlong guard ang kasama namin ni Grayson sa bahay.

Pero kahit na may cook naman kami, siya pa rin 'yung pinapaluto ko. Ewan ko. Gusto siya 'yung nagluluto palagi. Pagkagising ko, nasa tabi ko pa rin siya, hinihintay na magising ako. Then, I'll tell him that I'm hungry and wants him to cook something I crave. While he was cooking, I will watch him and wait for him to be done so we could eat together. Hindi naman siya nagrereklamo. In fact, mukhang natutuwa pa siya sa lahat ng inuutos ko sa kaniya.

"Ang tagal!" Reklamo ko habang nakaupo sa stool bar sa may kusina ng bahay namin.

"Wait a minute, Anitha." Sabi ni Grayson habang nilalagay sa bowl 'yung niluto niyang sardinas. Iyon ang gusto kong kainin para sa dinner at talagang maanghang iyon dahil iyon ang gusto ko. Iyong cook na kasama naman namin, nag-sangag ng kanin na may kasamang scrambled egg.

After he finished cooking, he immediately made the housemaids to serve the foods in the dining area while he guided me to walk. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya dahil nasanay na rin ako. Palagi niya akong inaalalayan sa lahat ng bagay. Pati sa pagsasalita ko, inaalalayan niya ako. Baka raw kasi ma-stress ako bigla. Kung ano pa ang mangyari sa anak namin.

Pinaghila ako ni Grayson ng upuan bago siya umupo sa tabi ko. Pagkatapos ihain ng mga kasambahay ang mga niluto niya, nilagyan na niya ng pagkain ang plato ko. Kahit 'yung kaniya ay nilagyan niya na rin dahil alam niyang maiinis lang ako kapag hindi na naman siya kumain dahil sa 'kin.

"Let's eat." He said before giving me a kiss on my forehead.

I avoided his eyes when I felt my heart reacted on what he just did to me. He always do that to me everytime, but I still can't get used to it.

Sa bawat araw na lumilipas na kasama ko siya, unti-unti rin akong nahuhulog lalo sa kaniya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para lang pigilan 'yon pero ang alam ko lang, hulog na talaga ako. Malalim na. Hulog na. At mukhang 'yung sugat na natamo ko nang mahulog ako, humihilom na dahil sa ginagawa niya sa 'kin.

Hindi naman ako sigurado sa kung ano man ang nararamdaman niya. Ni hindi ko nga alam kung ano 'yung iniisip niya. Kung may nararamdaman ba siya sa akin. Hindi ako manhid. Hindi rin naman ako assuming. At dahil nga hindi ako pareho, litong-lito na ako.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon