Chapter 12

32 4 0
                                    

Chapter 12

Dinner

-----

This is the most awkward moment in my entire life. Alam kong darating ang oras na maghaharap kami nang kami lang pero hindi ko naman inaasahan na ngayon 'yon. Puta. Ayokong mangyari 'to!


I awkwardly faked a laugh before I turned my back against him and walked away from him. I walked faster than before. My walk was almost a run. But when I was already in the longest distance that I thought, I bumped my head onto someone's chest.


"Aray!" Reklamo ko habang nakapikit ang aking mga matang nakahawak sa aking noo.


Pucha. Ang malas ko naman ngayong araw?! Una, nakita ko ang first kiss ko. Ngayon naman, ang sakit ng noo ko. May imamalas pa ba ang araw na 'to?!


I was so ready to yell at the person in front of me when my eyes lifted to him. I stiffened and almost lose my balance when my eyes met those cold and dangerous pair of eyes. He doesn't even give any expression when he walked past by me.


My... My first love... I bumped onto my first love's chest. Oh my God. I just met Jake's eyes! Shit. Shit. Shit!


Kahit na wala na akong nararamdaman para sa kaniya, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kakaiba nang magtama ang aming mga paningin. Lalo na't dumaan pa sa ilong ko ang nakakaadik niyang pabango.


Bakit ba napaka-attractive ng mga lalaking mabango? Pucha. Lahat yata ng mga naging crush ko, mababango.


"You look pale, Noel. What happened?" I heard Jake's question which made me remembered that I was running away already.


"Nothing. Nabigay mo na ba ang blueprint na sinasabi mo kanina?" Pag-iiba ng topic ni Noel bago ako magpatuloy sa paglalakad palayo sa kanila.


Bakit kailangan ko pa silang makita?! First kiss at first love ko, nakita ko ngayong araw sa iisang lugar?! Ano 'to?! Anong meron ngayon?!


Baka mamaya, nandito rin sina Harold at Martin, ha. First crush at first boyfriend ko ang mga 'yon. Pwede na 'kong tawaging tirador ng Evil Mafias, e. Buti na lang hindi ko pinatos sina Lance at Carlos. They look so old when they're next to me. Ayoko sa mga gano'n. Mas gusto ko ay 'yung mga kasing-edad ko lang.


Pero nagustuhan mo si Grayson, Anitha? Nagustuhan mo rin sina Harold at Jake? Mas matanda pa sa 'yo ang dalawang 'yon, Anitha! Habang si Grayson, isang taon lang ang tanda sa 'yo. Buwisit ka.


Napangiwi ako nang mapagtanto na pati sarili ko ay pinapagalitan ko na dahil sa kalandian ko. Tangina naman kasi. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman kasalanan na masyado silang gwapo at attractive kaya nahulog ako! Bawas-bawasan nila kapogian nila, hindi ako mahuhulog.


Mabuti na lang ay may daanan rin dito sa tinatahak kong daan para hindi ko na ulit makita ang dalawang 'yon. Yes, I saw them multiple times because of Sam. Yes, I encountered them already too, but I never thought of talking nor encountering them alone. Ayoko nga.


Dahil ibang daan ang tinahak ko, natagalan pa ako sa pagpunta sa kotse ko dahil malayo-layo ang nilakad ko. Ayos lang rin iyon para maiwasan ko ang dalawang asungot. Baka mamaya, nandito rin pala ang iba pa nilang mga kaibigan. Masama na.


Dumiretso ako sa kumpanya dahil iyon lang naman ang pupuntahan ko ngayong araw. Wala akong ibang gagawin kun'di ang magtrabaho para sa kumpanya namin. Tulong na rin 'yon para kay Daddy at Mommy. Masyado na silang stress dahil sa kalaban namin.


Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon