Chapter 38

22 2 0
                                    

Chapter 38

Yema cake

-----

Hindi ko alam kung bakit pero pagkagising ko kinabukasan ay ang daming tao sa baba. Nandito rin sina Beia at Wesley na sobrang pagod dahil sa biyahe kaya pinatulog ko muna sa mga guestroom. Hindi kasama ni Wesley 'yung anak niya kaya napanguso na lang ako. Sina Mommy ay nandito na rin kasama si Joshua na natulog agad pag-dating.

Mukhang pumunta silang lahat dito dahil buntis ulit ako. Kinulit kasi ako ni Grayson kagabi na mag-post na daw ako sa scoial media accounts ko na buntis ako. Hindi niya talaga ako tinigilan kaya pinag-bigyan ko na lang siya. Mukhang iyon na yata ang dahilan kung halos nandito na sila sa bahay namin nang sobrang aga.

"Jairamin," Tawag ni Grayson kay Jaira na kakapasok pa lang ng bahay namin. "Nasa taas na si Joshua. Pakigising nga. Hindi pa 'yon nakain, e."

Nakita ko ang pag-irap ni Justin dahil sa ginagawa ni Grayson. Mukhang hindi naman nahalata ni Jaira na inaasar lang siya ni Grayson dahil mabilis itong pumayag at umakyat sa taas dahil alam na naman niya kung saan ang kwarto ni Joshua.

"Kailan mo titigilan 'yung anak ko?" Nakasimangot na tanong sa kaniya ni Jake habang buhat buhat si Jiro.

"Kapag sila na ni Joshua." Sagot ni Grayson bago malakas na tumawa.

"Grayson, ang bata pa nila. Gago ka ba?" Iritadong sambit ni MJ.

"Slight na gago." Pang-aasar ni Grayson.

Nang makita kong kaunti na lang ay masasapak na ni Jake si Grayson ay mabilis ko na itong hinila papalayo sa kanila. Tumatawa pa rin si Grayson nang makarating kami sa may kusina. Halatang hindi na natatakot kay Jake at MJ.

"Ang tapang mo, 'no?" Tanong ko sa kaniya habang tumitingin nang pwedeng kainin.

"Hindi ako sasaktan ni Jake. Takot niya lang kay Jane." Ngisi ni Grayson bago ako akbayan. "What do you want to eat?"

"You." Bulong ko sa tainga nito.

"Later." Maloko niyang sagot kasabay nang kaniyang pag-kindat sa akin.

Sabay sabay kaming kumain ng agahan nang makababa na sina Joshua, Beia, Wesley, at Jaira. Magkatapat sina Beia at Martin kaya naman ay kitang-kita ko kung paano taliman ng tingin ni Martin sina Beia at Wesley na nagbubulungan habang nakain. Hindi ba niya alam na may asawa't anak na si Wesley?

Si Justin naman ay umupo sa gitna nina Jaira at Joshua na siyang dahilan upang malakas na tumawa si Grayson na siyang ikinairap ni Jaira. Si Jake ay halos hindi na makakain dahil kay Jiro habang si MJ naman ay mabilis lamang ang pag-kain para makakain na si Jake. Si Grace naman ay inuna muna ang mga anak niya bago siya kumain habang si Harold naman ang nagpapakain kay Harvey. Si Carlos ay katabi ni Kymie na siyang dahilan upang siya ang nag-aasikaso rito dahil abala si Martin sa pag-singhal at pag-irap sa harapan nina Beia at Wesley. Si Lance naman ay inaalalayan si Lamey sa pag-kain dahil hindi pa ito masyadong marunong habang si Laze naman ay tamad na tamad kumain dahil kinuha ni Sam iyong cellphone niya. Si Noel ay pinapanood lamang ang anak niyang kumain sa harapan ni Justin na halos hindi na makakain dahil sa mahihinang pang-aasar sa kanila ni Hanz.

Marami ang nakain ni Joshua dahil sa gutom niya. Halatang gutom na gutom na siya dahil nakailang sandok na siya ng kanin ay nakain pa rin siya. Hindi na naman na ako nagulat doon dahil sanay na akong marami siyang kung kumain pero si Jaira, nanlalaki na ang mga mata sa tuwing kukuha ng pagkain si Joshua.

Dahil doon, lalo siyang inasar ni Grayson habang ngumingisi lamang si MJ na halatang natutuwa sa pag-irap irap ng anak niya kay Grayson. Pati si Justin ay nadamay sa pang-aasar ni Grayson dahil nahalata nitong may crush ito kay Belany na walang kaalam-alam.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon