Slight.
Chapter 30
Visit
-----
"What do you mean, Grayson?" I asked, asking for confirmation.
"Anitha..." Grayson called my name as his eyes never leave mine. His eyes were both showing the emotions he wanted me to feel. That he wanted me to see. "I love you..."
I stopped breathing when he confirmed what I was thinking. My lips went dry when my ears heard him say those three words. My eyes widened as I watched Grayson being nervous in front of me.
He loves me. He fucking loves me!
Mabilis kong naramdaman ang mabilis na pag-tibok ng puso ko habang patuloy siyang pinagmamasdan. Sobrang lakas no'n na sa tingin ko ay nararamdaman at naririnig niya na 'yon. Ramdam ko rin ang mabilis na pag-init ng leeg ko hanggang sa aking mukha dahil sa rason na umamin siya sa aking harapan.
"Hindi ko alam kung ano 'yang nararamdaman mo ngayon pero, Anitha... Mahal kita. Alam ko 'yon dahil minsan ko na 'tong naramdaman. Alam ko 'yon dahil iba ka... Yes, I loved someone else before and I'm saying you right now, Anitha... I don't love her anymore... Ilang taon ko siyang minahal at ilang taon din ang kinuha ko para kalimutan ko siya... I am so sorry for telling you this right now, but, Anitha... While my heart was resting from loving... While my heart just moved on from beating... You came." Grayson said while his eyes were slowly covering with his tears. I couldn't help, but to teared up too while listening and looking at him.
Grabe... Ganito pala 'yung pakiramdam na malaman mong mahal ka rin ng taong mahal mo, 'no? Ang saya. Sobrang saya. Hindi ko alam kung sapat na ba 'yung salitang masaya para ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang akala ko kasi, hindi niya kayang mag-mahal ng iba... Akala ko, hindi niya kayang kalimutan 'yung pag-mamahal niya sa taong minahal niya halos buong buhay niya... Akala ko, ako lang. Siya rin pala.
"Remember when I told you to let my heart rest first? It was really meant for me. Sarili ko 'to kaya dapat ako 'yung kumokontrol sa sarili ko. Sarili kong puso 'to kaya dapat ako ang may kontrol kung kailan 'to makakapag-pahinga, pero tangina... Makita lang kita, nawala na agad 'yung pangako ko sa sarili ko na mag-pahinga. Isang ngiti mo lang, tumibok na naman. Tumitibok na naman." He said as a wide and soft smile plastered on his face. "Hindi ko pala kayang kontrolin 'yung sarili kong puso. Hindi ko kayang pigilan. Hindi ko kayang pag-pahingahin dahil ayos na. Gumaling na kaya tumitibok na naman. Anitha, pinatibok mo 'yung nananahimik kong puso. Panindigan mo 'to."
Hindi ko alam kung ano 'yung dapat kong sabihin o gawin. Kung may dapat ba akong sabihin o gawin. Basta ang alam ko lang, sobrang saya ko habang hindi inaalis ang mga mata ko mula sa kaniya.
Hindi ko pinigilan o pinunasan ang mga luhang tuloy-tuloy sa pag-patak mula sa aking mga mata. Hinayaan ko silang makita ni Grayson na lumuluha na rin sa harapan ko.
"Bakit ka naiyak? Nakakaiyak ba 'yon? Hindi pa nga ako prepared niyan, e. On the spot kaya 'to." Biro niya bago punasan ang aking mga luha sa aking mukha.
My lips trembled when I felt him touched my face to wipe the tears from my face. I bit my lower lip when Grayson gave me a sweet smile when our eyes met.
"You're so soft, Anitha." He whispered before he chuckled. "Hindi ko akalain na sa likod ng suplada mong mukha at attitude, may tinatago ka palang lambot."
"Insulto ba 'yon?" Tanong ko.
"Slight," Sagot niya bago tumawa.
Tumalim ang mga tingin ko sa kaniya na siyang dahilan upang matawa pa siya lalo. Hinila niya ako palapit sa kaniya para sa isang yakap. Isang mainit at mahigpit na yakap. Ramdam ko ang pag-galaw ng kaniyang katawan dahil sa kaniyang pag-tawa.
BINABASA MO ANG
Spread Love (Evil Series #2)
Romance[Evil Series #2] He was lost when he met her. He was in pain when he smiled. He was in chaos when he fell. Being not chosen by the love of his life, he tried his best to heal himself while the woman who rejected him multiple times was missing. He wa...