Chapter 02

71 4 0
                                    

Chapter 02

Heart

-----

I was glaring at him while he was laughing beside my grandmother. He couldn't move on from my suitcase. I mean, who would not be? It's a fucking Hello Kitty!

"Ang supla-suplada mo, Hello Kitty naman pala 'yang maleta mo!" Natatawa niyang wika.

Kalmado kong ininom ang hot chocolate na ibinigay sa amin ni Grandma kanina pagkarating namin. Abala si Grandma sa pagtingin sa mga dala ng putanginang hayop na siraulong lalaking 'yon. Mga products iyon. Makeups.

"Ikaw nga, pormang-porma, pangit pa rin." Sambit ko habang patuloy na pinapakalma ang aking sarili.

Ang kaninang mapaglarong ngisi ay mabilis na napalitan ng hindi makapaniwalang ekspresyon na makikita sa mukha niya. Bahagya akong napangisi nang mapansin na hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.

Nauna ka, sinundan ko lang. Bakit parang ikaw pa yata ang unang nagalit sa ating dalawa?

"I am not ugly!" Kunot noong sambit niya sa maarteng boses.

"You are." Sabi ko sa mapang-asar na boses.

Muntikan na akong matawa ng malakas dahil sa magkakapikon niya. Pinanlisikan niya ako gamit ng kaniyang mga mata na siyang tanging sinagot ko lamang ng mapang-asar na tingin.

I fastly stucked my tongue out to tease him more before sipping on my hot chocolate. I saw how he put his tonge on his inner cheek to calm himself down while his glaring eyes were still on me.

"Nag-aaway ba kayong dalawa?" Kunot noong tanong ni Grandma sa amin nang mapansin ang tinginan namin ng lalaking nasa harapan ko.

"Hindi po," Magalang na sagot niya gamit ang malambing niyang boses. "Grandma, bakit ka nga po pala nagpadala ng mga makeup? May pupuntahan po ba kayo na kailangan niyo pa pong gumamit ng mga gan'yan? Maganda ka na, Grandma. Hindi mo na kailangan ng mga gan'yan."

Mabilis akong napangiwi dahil sa kaniyang sinabi. Halata naman na binobola lang niya si Grandma para ibahin ang usapan. Ito namang si Grandma, nagpabola.

"Ano ka ba, hijo? Parang namang hindi mo ako kilala. Kahit saan ako pumunta, kahit anong okasyon pa iyan, hinding hindi ako gagamit ng mga makeup-makeup na 'yan." Nakangiting wika ni Grandma.

Naningkit ang aking mga mata nang marinig iyon mula sa kaniya. Kung hindi naman pala siya gagamit noon, bakit pa siya nagpadala ng mga gano'n?

Mukhang naramdaman ni Grandma ang aking tingin dahil binalingan niya ako. Bahagyang napakurap sa akin si Grandma nang mapansin niyang pinag-aaralan ko ang bawat galaw niya. At dahil lola ko siya, alam kong alam na niya kung ano ang iniisip ko dahil pinanlakihan na niya ako ng kaniyang mga mata.

Napasimangot ako nang nakangiting bumaling si Grandma roon sa lalaking hindi ko rin alam ang pangalan. Nakalimutan ko na. Teka, alam ko ba talaga ang pangalan niya? Sa pagkakatanda ko kasi, wala akong pakialam nang sumikat siya sa Ice Academy. Palagi naman kasing gwapo ang laman ng mga balita sa eskuwelahan na 'yon, e.

Basta gwapo, laman ng mga usapan. Kapag pangit, laging biktima ng panunuya. There's no equality between the humans. Yes, humans. Pare-pareho lang naman tayong mga tao, iba-iba naman ang pag-trato sa atin. So, tell me. Where's the equality in there?

"Then, why did you made me brought those makeups, Grandma?" Tanong ng lalaking nasa harapan ko. Confusion was visible on his face.

"Para sa apo ko." Nakangiting sagot ni Grandma na siyang dahilan upang kumunot ang aking noo. "My grandchild is a girl, Grayson. You see, when she was a child, she loves putting paints on her face, saying that they were makeups."

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon