Chapter 16

25 2 0
                                    

Chapter 16

Tubig

-----

"Tinatanong kita, Anitha. Bakit ayaw mong sumagot?"

Umiwas ako ng tingin mula sa kaniya at inabala na lamang ang sarili sa paglibot ng paningin sa paligid, loving the theme and designs.

"Ayaw mo ba akong kausap, Anitha? May ginawa ba akong hindi mo gusto? Galit ka ba? Oy, sumagot ka naman d'yan, oh." Pilit pa rin niya bago siya umupo sa tabi ko. "Anong gusto mo? Gusto mo bilhan ulit kita ng camera? Gusto mo bilhan kita ng isang kahon ng avocado? Yema cake, gusto mo? Anitha, hoy. Ano na?"

Ayokong kausapin si Grayson. Oo, aminado akong iniiwasan ko siya. Hindi pa ba halata 'yon? Iniiwasan ko siya dahil malapit siya kayla Jake. Matagal ko nang alam na delikado kapag lumapit ako sa kanila. Kapag lumapit ako sa mga malapit sa kanila. Umiiwas ako dahil natatakot ako. Natatakot akong maulit muli ang nangyari sa akin doon sa parking lot.

Sino ba naman ang hindi matatakot? May nagbato lang naman ng kutsilyo malapit sa ulo ko. Tangina.

Alam kong delikado rin kung hindi ko lalayuan si Sam. Pero paano ko siya lalayuan kung siya mismo ay hindi ako hinahayaan? At isa pa, matagal na kaming magkakilala. Alam kong delikado na ang buhay niya simula nang niligawan siya ni Lance. Matagal nang delikado ang buhay niya dahil kay Lance. Pero meron siyang si Lance. Meron siyang taong proprotekta sa kaniya sa buong buhay niya. E, ako? Anong meron ako? Sinong proprotekta sa akin?

Hindi ko kayang layuan ang kaibigan ko. Kung dati ay sinubukan ko pa siyang ilayo, ngayon ay hindi na. Tangina. Ano ba kasi ang kailangan nila sa 'kin? Wala naman akong alam sa mga laban nila!

"Anitha, mamansin ka naman. Nag-susungit ka na naman, e." Masuyong sambit sa akin ni Grayson habang hinahatak ang manggas ng dress ko. "Taba, taba, taba. Oy, bili' na."

Inirapan ko siya at ininom na lamang ang tubig na nasa unahan ko. Nasa mini stage si Joshua at naglalaro ng mga palaro para rito sa party. Halatang halata na may crush iyong anak ni 'Julia' sa kapatid ko dahil kanina pa ito namumula habang naglalaro sila. Iyon namang kapatid niya ay kanina pa siya pinapagalitan dahil ilang beses na itong muntikang madapa.

Lampa, amputa.

"Anitha Ruth," Pangungulit sa akin ni Grayson. "Anitha Ruth Villamor, parang awa mo na. Pansinin mo na 'ko."

Malakas kong binawi ang aking braso nang mairita ako sa maya't maya niyang paghatak sa manggas ng damit ko. Tinaliman ko pa siya ng tingin bago ako tumayo at naglakad palabas ng venue. Kasama naman namin ni Joshua iyong yaya niya kaya walang problema. Isa pa, may bodyguard na naman siya.

"Anitha," Parang batang tawag sa akin ni Grayson habang sinusundan ako palabas ng venue. "Pansinin mo na 'ko. Anitha Ruth!"

Umikot ang aking mga mata habang ako ay mabilis na naglalakad papalayo sa kaniya. Hindi siya tumigil sa kakatawag sa akin at palakas na iyon nang palakas na siyang dahilan upang mapabaling sa amin ang ibang tao.

Nakakahiya dahil kitang kita ko kung paano nila ako husgahan dahil lang sa pagsisisigaw ni Grayson na pansinin ko na raw siya. Akala yata nila ay mag-jowa kaming nag-aaway. Pucha.

"Ani—"

"Ang ingay mo!" Iritado kong reklamo kasabay nang pag-harap ko sa kaniya. Napatigil rin siya sa paglalakad at napakurap dahil sa biglaan kong pag-harap sa kaniya. "Ano bang gusto mo?!"

"Ikaw," Wala sa sariling sagot niya.

Nawala ang gitla sa pagitan ng noo ko dahil sa gulat sa kaniyang sinabi. Mukhang nagulat rin siya dahil nanlaki ang kaniyang mga mata bago siya umayos sa kaniyang pagkakatayo.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon