Chapter 04

42 4 0
                                    

Chapter 04

First Love

-----

"Huh? Kumusta ako? 'Di ko gets." Nakakunot ang kaniyang noong wika habang nagtatakang nakabaling sa akin.


Ang kaninang pag-aalala ay bigla na lamang napalitan ng inis. Mabilis akong napangiwi dahil sa kaniyang sinagot sa aking tanong kanina, na ilang minuto pa yata niya inisip.


Nakita niya ang aking reaksyon kaya naman agad siyang napatikhim. Dumiretso rin ang kaniyang likod habang nakaupo sa aking tabi, rito sa damuhan. Napataas ang aking kilay nang makita siyang matamis na ngumiti sa akin.


"I'm good, thank you." Aniya bago mas lumawak ang kaniyang ngiti. "Gano'n ba dapat ang sagot ko sa 'yo? Hindi mo naman agad sinabi. Gusto mo palang mag-Q and A tayo dito. Sana nakapaghanda man lang ako."


Mas lalo akong napangiwi dahil sa kaniyang sinabi. Bumaba ang aking mga mata mula sa kaniyang mga kamay na nakahawak sa isa't isa. Nang mag-angat ako muli ng tingin sa kaniya, naabutan ko siyang nakatingin rin sa kaniyang mga kamay, nagtataka kung bakit ko iyon tiningnan.


"Ang haba ng mga daliri mo," Puna ko sa kaniyang malilinis na mga daliri na siyang dahilan upang mag-angat siya ng tingin sa akin.


"Oh? I didn't know that I have long fingers." Wika niya bago nakangiting iniangat ang kaniyang kamay upang pagmasdan ng mabuti ang kaniyang mga daliri.


"Right? Your fingers are so long. I wonder why your brain is so small. Tiny as your pinky finger." I said before I stood up and walked away from him.


"Tiny?! Tangin—! Hoy, Anitha Ruth Villamor! Feeling smart ka! Madapa ka sana!"


I rolled my eyes when I heard him shouted. He's so stupid. I was thinking to be kind to him because of his situation, but I changed my mind. Ayokong magkaroon ng kaibigan na tanga.


Napanguso ako nang makaalis na ang waitress na kumuha ng kakainin namin para sa gabing ito. Nagtagal kami sa Jangdo dahil sa magandang view na mayroon doon. Bukas na lang ulit kami mag-iikot rito sa Wando-Gun dahil gabi na rin naman.


Napag-usapan rin naman namin na pagkatapos kumain ng hapunan ay uuwi na kami. Ayaw ko rin naman na maglakad lakad pa dahil nangangalay na ako. At isa pa, mas lumamig dahil gabi na.


Ilang minuto ang lumipas na sina Aemie at Grayson lamang ang nag-uusap tungkol sa mga lugar na maaari naming puntahan bukas. Hindi ako sa kanila makasali dahil wala naman akong kaalam-alam sa lugar na 'to. Sobrang tagal na nang huling punta ko rito sa Korea dahil masyado akong naging abala sa trabaho. High school pa yata ako nang huling punta ko rito kasama sina Joshua, ang nakababata kong kapatid.


Si Grandma kasi ang nauwi sa Pilipinas tuwing pasko at bagong taon dahil gusto ko rin niyang makita ang Pilipinas. Syempre, iyon naman talaga ang bansa niya. Nandito lang siya para magpahinga dahil sa katandaan.


Hindi ko lang makuha kung bakit sa Korea pa. Sa daming bansa rito sa mundo, Korea pa ang napili ni Grandma. Marami rin namang probinsiya sa Pilipinas ngunit mas pinili niya pa ring lumayo at manatili rito sa Korea. Mukhang dahil na rin sa mga kaibigan na nakilala niya rito. She's friendly after all.


Dahil sa gutom at pagkabagot, kinuha ko ang aking cellphone mula sa sling bag na dala-dala. Mabuti na lamang ay may free wifi ang pinasukan naming kainan kaya naman ay pwede akong gumamit ng social media.


Halos mapairap ako nang bumangad sa notification ko ang pangalan ni Miguel. Sigurado akong iinggitin niya lang ulit ako sa girlfriend niya. Hayop siya. 'Wag sana sila mag-tagal ni Andrea.



Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon