Chapter 37

26 2 0
                                    

Chapter 37

Mother

-----

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang patuloy sa pag-bagsak ang mga luha ko sa aking mukha. Hindi ako makatingin sa asawa kong halatang nagulat dahil sa sinabi ko.

Sino ba naman ang hindi magugulat dahil sa sinabi kong 'yon? Sinong hindi magugulat kung sinabi kong ayoko? Na ayoko nitong dinadala ko?

"What are you saying, Anitha?" Nalilitong tanong ni Grayson sa akin.

"Ayoko nitong dinadala ko. Ipapalaglag—"

"What the fuck do you think you're saying?!" Malakas na sigaw sa 'kin ni Grayson na siyang dahilan upang matigilan ako at dahilan nang pag-iyak ni Zoe.

Kailanman ay hindi niya ako sinigawan, ngayon lang. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag sinigawan niya ako dahil hindi naman 'yon nangyayari, kaya naman ay ganito na lamang ang gulat at takot ko nang sigawan niya ako. Hindi ko alam.

"Grayson, ayoko nito." Nanginginig na sambit ko kasabay nang sunod-sunod na pag-patak ng mga luha ko. "Baka... Baka hindi sa 'yo 'to. Baka isa sa t-tatlong 'yon 'yung tatay nito... Ayoko."

Mabilis ang ginawa kong pag-iling nang sambitin ko ang huling salitang iyon. Nakita ko kung papaano matigilan si Grayson kasabay nang pag-awang ng kaniyang labi dahil sa narinig niya. Mukhang napagtanto niya kung ano iyong pinupunto ko dahil lumalim ang pag-hinga niya.


"Ayoko nito, Grayson. Ayoko. Ipapalaglag ko 'to. Ayokong magkaroon ng anak sa isa sa kanila. Ayoko." Iling ko sa kaniya habang pinupunasan ang aking magkabilang pisngi.

"Anitha..." Marahan niyang pag-tawag sa akin kasabay nang pagtayo niya, iniupo si Zoe sa kama. "Walang kasalanan 'yung bata kung isa nga sa kanila 'yung tatay. Bakit mo idadamay 'yung bata?"

"Ayoko nga! Ayoko! Ayoko! Ayoko! 'Wag mong ipilit kasi ayoko sa kaniya! Ayoko!" Malakas na sigaw ko kasabay nang panginginig ng aking mga kamay. "Ayoko... Maaalala ko lang 'yung... 'Yung nangyari sa 'kin. Ayoko."

Naramdaman ko ang mga kamay ni Grayson sa magkabilang balikat ko habang patuloy lamang ako sa pag-iling sa kaniya. Naramdaman ko ang unti-unti niyang pag-hila sa 'kin palapit sa kaniya kasabay nang pag-yapos niya sa 'kin.

"Anak ko 'yan, Anitha... Kahit anong mangyari, anak ko 'yan. Kahit na anong sabihin mo, anak ko 'yan. Anak natin 'yan." Marahan niyang sambit na siyang dahilan upang umiling ako lalo.

"B-Baka isa sa kanila—"

"Anak ko pa rin 'yan, Anitha. Kahit isa sa kanila, kagaya nang sinasabi mo, anak ko pa rin 'yan. Tatanggapin ko. Walang kasalanan 'yung bata kaya 'wag mong ipapalaglag. Anak ko 'yan. Anak natin 'yan. Kahit anong mangyari, kahit anong sabihin mo, anak natin 'yan." Marahan niyang sambit bago ko maramdaman ang marahan niyang pag-halik sa ibabaw ng ulo ko.

Malakas akong humagulgol sa loob ng mga bisig niya dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba 'yung ginawa ko sa kaniya at ganito siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba 'yung ginawa ko sa rati kong buhay at ibinigay sa 'kin si Grayson.

Nang kumalma ako ay kinausap ako ng masinsinan ni Grayson. Alam niyang hindi pa rin ako masyadong maayos dahil sa nnagyari sa 'kin kahit na nakikipagkita na ako sa psychiatrist. Akala ko nga, sa psychologist lang ako makikipag-usap pero ang sabi sa 'kin ni Mama, mas maayos na raw kung sa psychiatrist na ako makikipag-usap.

Ang sabi sa 'kin ni Grayson ay kahit hindi siya ang tunay na ama ng batang dinadala ko, bubuhayin pa rin namin ito. Hindi ako tumigil sa kakaiyak no'ng sinabi niya 'yon dahil ako nga sa sarili ko ay hindi matanggap na may nabuo noong gabing iyon.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon