Chapter 24

21 2 0
                                    

Chapter 24

Father

-----

Mabilis akong napabangon nang maramdaman na wala na akong katabi. Madilim ang buong silid dahil ang sinag ng araw ay natatakpan ng makapal na kurtina. Ang malamig na temperatura na nagmumula sa aircon ay biglang nadagdagan dahil sa takot.

Natatakot ako. Baka mamaya ay makapasok din sila rito at pagtangkaan ang buhay ko. Baka makuha na nila ako at gamitin laban sa Evil Mafias. Baka mawala na lang ako bigla. Baka takutin na naman nila ako. Natatakot na ako.

Naramdaman ko ang pamumuo ng aking mga luha kasabay nang panginginig ng aking mga kamay. Mabilis kong yinakap ang aking dalawang tuhod bago ipatong ang aking baba sa aking tuhod.

Sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa takot sa pwedeng mangyari ngayong mag-isa na lang ako. Hindi ko na rin mapigilang mapahikbi na siyang dahilan upang ilagay ko ang aking kamay sa aking bibig upang pigilan ito.

"Why did you wake up?"

Mabilis akong napaangat ng tingin nang marinig ang boses ni Grayson. Nakita ko siyang naglalakad patungo sa akin galing sa banyo. Ang kaninang pinipigilang hikbi ay agad na kumawala nang makita ko siya.

"Hala, bakit ka naiyak?" Taranta niyang tanong bago mabilis na umupo sa aking tabi. Pagkaupo niya sa aking tabi ay mabilis ko siyang yinakap dahil sa takot.

"Bakit mo 'ko iniwan?" Umiiyak na tanong ko sa kaniya kasabay nang aking mga hikbi. "Akala ko, mag-isa na lang ako. Ayoko... Natatakot ako. Grayson, natatakot ako mag-isa."

Mahigpit akong yinakap ni Grayson nang marinig ang aking sinabi. Marahan niyang hinaplos-haplos ang aking buhok habang ang aking mukha ay nasa kaniyang leeg. Naramdaman ko siyang humalik sa ibabaw ng aking ulo na siyang dahilan upang kumalma-kalma ako.

"I'm sorry. It won't happen again, huh? It won't happen again. I told you, I won't leave you, right? You heard me promised, right? I won't break it, Anitha. Hindi ako aalis sa tabi mo." Mahina niyang sabi sa malumanay na tono. "Nandito na lang ako. Hush now, Anitha."

Nanatili akong nakayakap sa kaniya habang unti-unti nang kumakalma ang aking sarili. Patuloy lamang siya sa pag-haplos sa aking buhok habang malumanay akong pinapakalma sa pamamagitan nang pagbulong sa aking tainga.

Siguro'y dahil na rin sa pagod sa pag-iyak, unti-unting sumasara ang talukap ng aking mga mata. Ang kaninang mahigpit na yakap sa kaniya ay dahan-dahang lumuluwag kasabay nang tuluyang pag-sarado ng aking mga mata.

Nagising ako nang maramdaman na parang binaliktad ang aking sikmura. Mabilis akong tumakbo patungo sa banyo sa loob ng kwarto ni Grayson bago sumuka sa lababo. Naramdaman ko ang mabilis na pag-sunod sa akin ni Grayson upang alalayan ako.

Hinawakan ni Grayson ang aking buhok gamit ang kaliwa niyang kamay habang ang kaniyang kanang kamay ay hinihimas ang aking likuran upang gabayan sa pag-suka. Nang makitang tapos na ako ay siya na mismo ang nag-basa sa aking labi upang malinis ito. Pinunasan niya rin ang aking buong mukha gamit ang malinis na face towel na nakasabit sa kaniyang banyo.

"Ako na," Sabi niya nang makita akong akmang lilinisin ang lababo kung saan ako sumuka.

Pinanood ko siyang linisin ang kaniyang lababo. Binuksan niya ang gripo nito bago kuhanin ang alcohol sa kaniyang maliit na cabinet. Nang makitang wala na ang suka ko ay mabilis niyang pinaliguan ang buong lababo ng alcohol bago punasan ang kaniyang kamay.

"I want to take a shower." I said which made him looked at me.

"I'll get your clothes, then." He said before he went out from the bathroom.

Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon