Chapter 03

57 4 1
                                    

Chapter 03

Smile

-----

Nakakunot ang aking noo habang hinihintay si Aemie na lumabas mula sa bahay. Kanina ko pa siya hinihintay na lumabas ng bahay dahil ang sabi niya ay sasamahan niya akong mag-libot rito sa Wando-gun. Mas maraming lugar siyang alam kaysa sa akin kaya naman ay pumayag ako ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya.


Hindi ganoon kalamig rito sa Korea, hindi kagaya kagabi na lamig na lamig talaga ako. Sabagay, lamigin naman talaga ako. Hindi ko alam kung kanino ako nag-mana ngunit kahit kaunting hangin lang sa akin, lalamigin na agad ako.


Ganoon rin kapag naulan. Kaunting ambon lang sa akin, o kahit patak lang ng ulan, sisipunin na agad ako. Mabilis akong dapuan ng sakit dahil na rin siguro sa dalas na 'di pag-labas ng bahay. Noong elementary kasi ako ay hindi ako gano'n lumalabas ng bahay hindi katulad nang mag-high school ako. Naging gala ako. Bad influence sina Miguel. Tangina nila. Naging gala ako dahil sa kanila. Sa kanila ni Samantha.


Bata pa lang ako ay kilala ko na sina Sam at Miguel. Our parents are friends which made us grow with each other. Samantha is the oldest while I'm the youngest. Ilang buwan lang naman ang tanda sa akin ni Miguel.


Miguel's mother was obviously wants me for her son. Actually, Miguel and I pretended dating each other when we were in college. We already know that we're just really friends, but we want to show that to his mother since she seemed didn't like the idea about me and Miguel being just friends. We dated for three months and eventually stopped when Miguel's ex-girlfriend showed up. He still likes her. I mean, loves her.


Andrea, Miguel's girlfriend right now. They really love each other, but of course, the villain of their lives, Miguel's mother. Tita doesn't like Andrea for Miguel since Andrea is not rich. Her father was already dead while her mother was working abroad for her and her younger sister. Naghiwalay sila noong high school dahil kay Tita. Ayaw niya talaga kay Andrea at hindi ko makuha kung bakit.


I mean, Andrea is really trying her best to improve herself to her, but she keeps on pushing her away from her son's life. Isang beses nang tinanong ko siya, ang sagot niya lang sa akin ay dahil raw masama ang kutob niya sa babaeng iyon. Ang sabi pa niya ay hindi naman daw talaga mahal iyon ni Miguel at napipilitan lang ang anak niya dahil sa awa nito kaya siya na lang ang gagawa ng paraan para makalaya si Miguel. Weird, right?


Pa'no kaya nasasabi ni Tita 'yon? I mean, kutob? Dahil lang sa kutob kaya niya ginagawa 'yon? Ang sabi pa nga niya ay malakas ang hinala niya na si Andrea pa ang pipigil sa magiging asawa ni Miguel. Tangina. Pa-mental ko na kaya si Tita? Masyado nang maraming nalalaman, e.


As for Samantha, since she's the oldest, she's really trying her best to be responsible to us. She was the one who will blame herself when my and Miguel's parents were scolding us for going out again for the nth time. I mean, why would she blame herself? Dinamay lang naman namin siya ni Miguel.


Kami ni Miguel ang tunay na bad influence. Bakit? Dahil mas pipiliin ni Samantha na manatili sa bahay nila kaysa lumabas at pumuntang bar. Boring kasama si Samantha pero simula nang mag-college ay hindi na. Gaga siya, e. Nabuntis ng maaga. Akala ko nga ako ang unang mabubuntis, e.


Naalala ko pa no'ng nalaman naming buntis si Samantha. We were really surprised because she's fucking our Samantha! Palapit ka pa lang, nasipa ka na niya sa itlog mo. Tangina. Kaya ayon, nagpustahan na lang kami ni Miguel kung babae ba o lalaki. At sa kasamaang palad, natalo ako.


Tangina, 'yung dalawang libo ko, naalala ko na naman!


Halos tumirik ang aking mga mata nang makita ang isa ko pang hinihintay. Nakasuot siya ng simpleng itim na t-shirt at grey trousers na pinaresan niya ng kaniyang puting sneakers. Ganoon na lamang ang pag-taas ng aking kilay nang makitang natatakpan ang kaniyang mga mata ng kaniyang itim na sunglasses. Medyo magulo ang kaniyang itim na buhok ngunit hindi iyon ikinabawas ng kaniyang itsura.


Spread Love (Evil Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon