Chapter 06
Gusto
-----
Nakangisi akong sumulyap kay Grayson na hanggang ngayon ay namumula pa rin ang magkabilang tainga. Naramdaman niya ang kanina ko pang pasulyap-sulyap, kaya naman ay sininghalan niya ako.
"Mura pa," Pagpaparinig ko bago kumuha ng panibagong seaweed.
"Shut up." Singhal ni Grayson habang gumagawa ng gimbap.
Ngumuso ako upang itago ang ngising kanina pa kumakawala mula sa aking mga labi. Inayos ko ang gloves na suot-suot ng magkabilang kamay ko bago kumuha ng sapat na malagkit na kanin mula sa bowl na nasa aking unahan.
Bilang parusa dahil sa aming pagmumura, maliban sa pagpingot ni Grandma sa aming mga tainga, pinagawa niya kami ni Grayson ng gimbap sa likod bahay. Nang kaming dalawa lang. Walang kahit na anong tulong mula sa kanila.
Kami ang naghiwa ng mga gulay na ilalagay. Kami rin ang nagsaing ng malagkit na kanin. Lahat ay kami ang gumagawa bilang isang parusa.
Inayos ko ang aking buhok nang bigla itong lumawit mula sa pagkakatali nito gamit ang aking kanang braso dahil ang aking mga kamay ay abala sa pagtratrabaho. Nakita ko kung papaano sumulyap sa akin si Grayson bago muli siyang umirap.
Attitude, amputa.
Buong paggagawa ng gimbap ay hindi kami naguusap ni Grayson, bukod sa mga mapang-asar na pagpaparinig ko sa kaniya. Kunot na kunot naman ang kaniyang noo buong oras dahil sa pagkakapikon. Hindi ako na-inform na pikon pala siya. Kung alam ko lang ay matagal ko na siyang inasar nang inasar. Doon pa naman ako magaling. Ang mam-buwisit ng tao.
Kinuha ko ang kutsilyong nasa aking tabi pagkakuha ng isang mahabang gimbap mula sa lagayan ng mga ginawang gimbap namin ni Grayson. Muling humarang sa aking mukha ang ilang hibla ng aking buhok na siyang dahilan upang mapabuntong hininga ako.
Binaba ko ang kutsilyong hawak at mabilis na hinubad ang suot-suot na gloves. Mabilis kong tinanggal ang aking pang-tali mula sa pagkakatali nito sa aking buhok.
Kinagat ko ito bago simulang pagsamahin ang aking mga buhok. Ang mga hiblang kanina pang humaharang sa aking mukha ay isanama ko rin.
Inilagay ko sa isang malinis na ponytail ang aking buhok bago mag-angat ng tingin kay Grayson. Napakunot ang aking noo nang makita kung paano siya naestatuwa sa kaniyang pwesto.
Bahagyang nakabukas ang kaniyang bibig habang ang kaniyang mga mata ay titig na titig sa akin. Ang kaniyang kamay na akmang kukuhanin ang kutsilyo ay natigil sa ere habang ang isa niyang kamay ay nabitawan ang gimbap na hawak-hawak niya kanina.
Nag-tama ang aming paningin na siyang dahilan upang mapakurap siya at tumikhim. Napataas ang aking kilay nang makita kung paano siya mataranta sa kung anong gagawin niya.
"What are you doing?" Tanong ko nang makita siyang tumayo.
"T-Tubig," Nauutal niyang sagot bago mabilis na pumasok ng bahay.
Nagkibit balikat na lamang ako bago simulang hiwain ang gimbap na gawa naming dalawa. Habang naghihiwa ay maya't maya kong sinusulyapan ang sliding door ng bahay upang makita kung tapos na bang uminom ng tubig si Grayson. Kanina pa siya do'n. Hindi pa rin ba siya tapos?
Ano ba ang ginagawa niya roon? Iniinom ang buong galon ng tubig?
Agaran akong napairap nang mapagtanto na hinihintay ko siya. Bakit ko ba siya hinihintay? Kaya ko namang mag-isa rito. Isusumbong ko na lang siya jay Grandma na iniwan niya na lang ako rito nang basta-basta. Gago siya.
BINABASA MO ANG
Spread Love (Evil Series #2)
Roman d'amour[Evil Series #2] He was lost when he met her. He was in pain when he smiled. He was in chaos when he fell. Being not chosen by the love of his life, he tried his best to heal himself while the woman who rejected him multiple times was missing. He wa...