Chapter 22
Talk
-----
Kabado't pinagpapawisan, nanatili akong tahimik sa tabi ni Mommy sa loob ng aming kotse. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang pinapakalma ang kaniyang sarili galing sa pagkabigla nang malamang buntis ako.
Sino ba naman ang hindi mabibigla kung wala naman ako sa kanilang pinapakilalang boyfriend ko?
Pinunasan ko ang mamasa-masa kong pisngi dahil sa mga luhang lumandas mula sa aking mga mata kanina nang sabihin ko kay Mommy na buntis ako. Alam kong namumutla na ako dahil sa kanina pang pag-iyak kaya naman ay pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili.
Gusto ko man na umiyak nang umiyak dahil sa hindi inaasahang balita, hindi iyon maari dahil sa batang dinadala ko. Dapat ay kalmado lamang ako dahil maaaring makaapekto ng masama iyon sa aking anak.
Anak. Hindi pa ako handa pero heto't mayroon ng laman ang tiyan ko. Ayoko man nitong sitwasyon ko, wala na akong magagawa dahil may nabuo na. Meron na.
My grip on the brown envelope tightened when we arrived at Déjà Vu Café. Nasa loob pa rin kami ng kotse pero kitang-kita na namin ang mga tao sa loob at labas ng café. Tama nga si Sam. Nandito ang buong Evil Mafias. Iyong anim lamang, hindi kasama 'yung ibang miyembro dahil masyado naman silang madami kung gano'n.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita kong lumabas ng café si Grayson. Malaki ang kaniyang ngiti habang hawak-hawak ang isang baso ng frappe. Pinanood ko siyang tawanan ang kaniyang mga kaibigan nang asarin siya ng mga ito.
Tangina. Chat ko na lang kaya siya?
"Anitha, bumaba ka na." Mariing utos sa 'kin ni Mommy na siyang dahilan upang lingunin ko siya.
"Mommy," Naiiyak kong tawag sa kaniya dahil sa kaba.
"Ngayon mo na sabihin, Anitha. Do you want me to yell at him?!" Banta ni Mommy sa akin na siyang dahilan upang mapailing ako. "Ayaw mo naman pala. Bumaba ka na at sabihin sa kaniya na buntis ka. Kailangan ka niyang panindigan."
Mabilis akong natigilan nang marinig ang huling sinabi ni Mommy. Pati si Samantha na nanahimik ay napabaling kay Momny dahil sa sinabi nito.
"Anong ibig mong sabihin, Mommy?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.
Hindi ko sinagot ni Mommy. Instead, she looked around the area before facing me again.
"Your father is here. He's making a deal with the Ashwoods. Ako na ang magsasabi sa kaniyang buntis ka." Mommy said before she went out from the car.
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Mommy. Maski si Samantha ay nanlaki ang mga mata dahil sa gulat at kaba. Halos sabay kaming lumabas ni Samantha ng kotse nang makitang totoo ang sinasabi ni Mommy. I just saw Daddy inside the café, talking with Grayson's mother.
Mabilis akong naglakad pahabol kay Mommy ngunit mabilis akong pinigilan ni Samantha.
"I think it's better, Anitha. Hayaan mong si Tita na ang mag-sabi kay Tito na buntis ka. Si Grayson na lang ang kausapin mo." Mahinahong kumbinsi sa 'kin ni Samantha.
Aayaw na sana ako at muling susunod kay Mommy nang bigla akong napabaling sa direksyon ni Grayson. Nagtama ang aming mga mata at nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo nang makita ang lagay ko. Bumaba pa ang kaniyang paningin sa dala-dala kong envelope na siyang dahilan upang itago ko iyon mula sa kaniya.
"Anitha, hindi mo itatago 'yan. Kapag hindi ka tumuloy, ako na ang magsasalita. Ako na ang mismong magsasabi kay Grayson." Mariing sambit sa 'kin ni Samantha.
BINABASA MO ANG
Spread Love (Evil Series #2)
Romance[Evil Series #2] He was lost when he met her. He was in pain when he smiled. He was in chaos when he fell. Being not chosen by the love of his life, he tried his best to heal himself while the woman who rejected him multiple times was missing. He wa...