-Krystal-
"What do you want, wifey?" He asked while he's driving.
"I want.. cherries!" I clapped my arms and licked my lips thinking about eating cherries.
"Where can I find cherries here?" kumunot ang noo niya at sumulyap muna sa 'kin. binalik niya rin kaagad ang atensyon niya sa daan.
"You asked me what I want" I pouted. Pero sabagay, baka wala nga siyang mahanap na cherries dito. Gusto ko talagang kumain ng cherries.
"Okay, iuuwi muna kita sa bahay then I'll find you cherries" he said that made me clap my hands like a kid, natawa naman siya at umiling dahil sa reaksyon ko.
Hininto ni Dean ang sasakyan sa harapan ng gate at bumusina para marinig ng mga bata. ilang sandali lang at nag uunahan na ang mga bata papunta sa gate. Naunahan ni Dino si Deanna kaya napasimangot ang babae ko.
Pagkapasok ng kotse sa garahe, bumaba si Dean para pagbuksan ako ng pintuan. Kababa ko palang sa kotse tumakbo kaagad si Dino palapit sa 'kin at iniabot ang kamay niya para magpakarga. Kakargahin kona sana siya pero naunahan ako ni Dean.
"Mommy can't carry you, she's carrying someone else" pagpapaliwanag ni Dean, malambing ang tono ng boses.
Pagkapasok namin sa bahay, nadatnan namin sina Sandra na nag aayos na ng gamit para umalis. Pumunta lang siya dito kasama si Yzielle para bantayan ang kambal habang wala kami.
"On the way na si Ace, we'll just wait for him then we'll go" Sandra informed me. Lumapit ako sakanya para bumulong.
"Really?!" napahawak ako sa tenga ko nang sumigaw siya. Binulong ko kasi ang tungkol sa pagbubuntis ko pero sinabing huwag munang sabihin sa mga bata.
Tulad ng inaasahan ko, hindi niya na 'ko tinantanan. Ang dami niya nang sinabi kahit hindi connected sa pagbubuntis.
"Mommy is so madaldal. Daddy and I used to cover our ears when she's around" Yzielle interrupted her mom.
"Yzielle!" sumigaw si Sandra at tumayo kaya tumakbo na si Yzielle pero nahuli rin naman siya ni Sandra at kiniliti ito sa tagiliran.
"Mommy stop!" hindi na mapigilang tumawa ni Yzielle dahil sa ginagawa ng mama niya sakanya. Napahawak nalang ako sa ulo ko. Tama nga si Ace, napakakulit ng mag-ina niya. How can Ace handle this? Knowing Ace, madali siyang mairita.
"Sabi ko na nga ba kayo ang naririnig ko mula sa labas" Dumating na si Ace at ito ang kakulitan ng mag ina niya ang sumalubong sakanya.
"Babe"
"Daddy"
Sabay sumigaw sina Yzielle at Sandra. Nagtinginan muna silang dalawa bago nagmadaling tumakbo palapit kay Ace. Nauna si Yzielle pumunta kay Ace kaya binuhat siya ni Ace. Napasimangot naman si Sandra kaya hinalikan siya ni Ace sa labi. Napairap ako doon. Tumayo nalang ako at hinanap si Dean, baka sakaling mahalikan din ako.
"We're leaving" Pagpapaalam ni Ace.
"Take care" Dean said from the kitchen.
Napailing ako nang marinig ko pang nag aaway sina Sandra habang palabas sila ng pinto.
"I'm going to marry daddy"
"No Yzielle. Your daddy is mine already, find yours"
"I found mine already. I found daddy"
