-Krystal-"I can't believe it! Magpapakasal na tayo! Hindi ko alam na ganito pala tayo kaseryoso dati" sabi ko sakanya. Kakauwi niya lang galing sa trabaho at tinupad niya nga ang pangako niya,tinutuon niya ang atensyon niya sa 'kin pag kapag kasama niya ako.
"I don't have any idea either,I guess I'm taken by you" he chuckled. We will get married next week! Can you believe that? Next week!
Pinagluto niya ako ng Adobo since yun yung rinequest ko. Hinapag niya sa harapan ko ang pagkain at umupo sa tabi ko
"Bakit hindi mo pa kinakain?" Tanong niya. Pinagtaasan niya ako ng kilay nang ngumuso ako
"Pasubuan mo 'ko" yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko
"You're such a baby" he said and pull my plate closer to him
"I'm your baby" I smiled at him but my smile faded when he shook his head
"Not anymore" he said
"Kaya nga sinusulit kona e. Kapag andito na yung baby hindi na ako yung baby" I pouted. I kinda feel sad about that thought na hindi na niya ako s-spoil pero mas nangingibabaw pa rin ang sayang nararamdaman ko dahil magkaka pamilya na kami
"Open your mouth" he said so I opened my mouth. It taste good!
"I think it's my kuya's fault why they broke-" hindi na natuloy ang sinasabi ko nang ilapit niya ang kutsara sa bibig ko.
I'm telling stories while we're eating,he's just giving me a nod or chuckle but I know he's listening.
"Get dressed,we're going to walk outside" he informed me after we ate. The OB said that it's good for the baby when I'm walking around
Naghoody lang ako at shorts dahil sa park lang naman maglalakad. Pagkalabas ko ng kwarto,naghihintay na siya sa sofa hawak ang wallet tsaka phone niya at kasama ang susi ng kotse. Naka black plain shirt lang siya at hanggang tuhod na short
"Akala ko maglalakad lang tayo?" Tanong ko. Naguguluhan ako bakit dala niya ang susi ng kotse
"We will going straight to your OB for a check up" he answered and offered his hand for me to hold.
Buti nalang maraming nagtitinda sa park hindi yung puro lakad lang kami. May nakita kaming nagtitinda ng taco at linapitan ni Dean 'yon. Gusto niya daw kumain ng taco kaya bumili siya pero nung maamoy ko parang nasusuka ako.
"Are you okay?" Dean asked worriedly. Tumango lang ako at umatras para hindi ko maamoy.
Lumakad siya palapit sa 'kin pagkatapos niyang magbayad.
"Binilhan kita" linapit niya sa 'kin ang taco. Umiwas kaagad ako at tumingin sa ibang direksyon para hindi ko maamoy. Alam niya na ata kung ano ang nararamdaman ko kaya linayo niya kaagad.
"Wait here" utos niya. Tinignan ko lang siyang naglalakad palapit sa mga bata sa park. Binigay niya ang taco sakanila kaya natuwa ang mga bata.
He never fails to melt my heart.
"I thought you want to eat that" I said
