09

4.6K 170 9
                                    

-Krystal-

Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nagkukwentuhan.Naiinis pa din ako dahil kasama kong kumakain 'tong Damien na'to



"Anak hindi mo ba kilala si Krystal?" Tanong ng mommy niya "Isa siya sa mga nurse natin"


"So Krystal pala pangalan"ngumisi siya bago binalik ang tingin sa mga magulang niya "Madalas ko siyang nakikita and once nakabanggaan ko siya-"



Natigil siya sa pagsasalita dahil tinapakan ko ang paa niya


"Sobrang bait niya"pagpapatuloy nito


"You should be friends with her"  pakikisali ng daddy niya


"You should be friends,I mean look at him I heard matalino siya plus he's good looking and I think he's kind"  Sumali na din si mommy. Tumingin sa'kin si mommy bago tumingin kay Damien. Nginitian ko lang siya ng peke. I don't want to be his friend! Ang sama ng ugali niya!



"Sure mommy mukhang mabait naman siya" Pag sang-ayon ko sa mom ko. Diniinan ko pa ang pagtapak sa paa ni Damien sa ilalim ng mesa


"Umuwi na pala ang driver natin" sabat ni Daddy



"What?!"  Hindi ko pa naman dala ang kotse ko "Paano ako uuwi?" 


"Pwede kang ihatid ni Damien hija" pagmamagandang loob ng mommy ni Damien




"You should get going" sabi ni Daddy bago uminom ng tubig "Mag gagabi na"


"Mukhang busy siya eh dad. Mag co-"



"I'm not busy" pagputol niya sa sasabihin ko "Thanks for the meal" he said to my parents then turn his gaze on me "Let's go"



Tumayo na siya at lumabas.Sinundan ko siya papunta sa kotse niya. Hinintay ko siyang pagbuksan ako ng pinto ng kotse kaya tumayo lang ako malapit sa kotse.




"Are you just going to stand there?"  Umiling siya saka na pumasok sa kotse



Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto! This rude guy here is getting on my nerves!



"Ikaw pala yung Krystal" he said meaningfully like he has something to do with me or has something to do with a person named Krystal. Gulat akong napatingin sakanya,hindi ko makuha ang sinabi niya



"What do you mean by that?"


"Nothing." He shrugged. Pagkatapos niyang sabihin 'yon sasabihin niya nothing?!


This jerk!



Tumigil na siya sa pagmamaneho kaya napatingin ako sa harapan. Ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami.Tumawa siya ng nakakaloko kaya napaharap ako sakanya


"Anong nakakatawa huh?"


Umiling lang siya at tinuro ang lalaki na masamang nakatingin sa kotse.


What the heck?!Dean?!

"Thanks" I awkwardly said. I was about to get out when he held my hand.


"Wait a second" He said then went out.I was in total shock when he opened the door for me

"Take care" he smirked before he went inside the car

Let's Change Our Fate (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon