-Krystal-
Tumuloy muna sina mommy sa condo ko nung matapos kaming kumain dahil gabi na. Hindi pa rin ako mapakali dahil doon sa sinabi ni hubby. Naligo na ako't lahat lahat hindi pa rin mawala sa isipan ko.
Kinakabahan ako! Anong magiging reaksyon nila kapag nakilala nila ako?
"Anong sasabihin ko sakanila? Paano ko sila haharapin?" Tanong ko sakanya habang pabalik balik na naglalakad sa kwarto. Nakaupo lang siya sa kama at nakasandal ang likod sa headboard habang may sinusulat sa chart.
Binitawan niya muna ang chart at tumingin sa 'kin.
"My dad is already excited to meet you,no need to be nervous. And can you please sit here by my side already? Kanina kapa naglalakad dyan baka mapano ka" Sabi niya habang diretsong nakatingin sa 'kin. Napanguso nalang ako at sinunod ang sinabi niya.
"Hubby.." tawag ko pagkaupo ko sa tabi niya. Tinignan niya ako,hinihintay ang susunod kong sasabihin
"Gusto ko ng white chocolate" nakayukong sabi ko habang pinaglalaruan ang mga kamay ko.
I saw him glanced at the clock and deeply sighed when he saw the time. It's already 9:30pm,he needs to rest already for his shift tomorrow.
"Nevermind. Forget it,it's-" napatingin ako sakanya nang tumayo siya at kinuha ang hoody niya
"What else do you want,wifey?" He asked. My eyes twinkled while imagining myself eating white chocolates!
"Strawberries!" Masiglang sagot ko. Oh no! Hindi pala nagtitinda ng strawberries malapit sa building namin!
"Got it" he replied before walking towards the door to leave.
Habang hinihintay ko siya,nagbasa muna ako ng mga dapat at hindi dapat gawin ng mga buntis. I'm a nurse after all kaya alam kona halos ang mga kailangang gawin pero I need to have extra knowledge for our baby's safety
It's already 30 minutes since he left,I'm starting to get worried about him. I texted him but he left his phone!
Saan ba siya nagpunta?
Kaagad akong tumayo nang makarinig ako ng katok sa pinto.
"You got me worried you know?" I furrowed my eyebrows while looking at him intently. He looked at me confused. He looks so innocent, I don't even know if he knows why I'm mad
"What?" He asked confused "I bought you snacks" he raised the plastic bag to show me what he bought
"Saan kaba kasi galing?" Tanong ko nang mahubad niya na ang hoody niya at naka gray shirt nalang. Umupo siya sa kama at tumingin sa 'kin
"Wala akong mahanap na strawberries" maikling sagot niya
"Bakit madaming strawberries dito?" Tanong ko habang tinitignan ang plastic. There are so many strawberries yet he said he couldn't find some.
"I went to a public market,they were about to close but luckily nahabol ko" he shrugged like it's nothing. Luckily? Bakit hindi nalang siya umuwi?
