-Krystal-
[Why are you calling wifey? I have patients] Gosh, I missed my hubby's voice.
"Ang boring dito e. May photoshoot si Sandra, busy naman si Sab kaya wala akong kasama sa bahay" reklamo ko. Hindi ko kasi maiwan si Kresha dahil gatas ko lang ang kinakain niya.
I heard him sigh before replying.
[Ask Ace to pick you up. Come over here] I clapped my hands because of what he said. Hindi kasi siya umuwi kagabi dahil sa biglaang emergency sa hospital kaya miss kona siya.
I immediately called Ace to pick me up. Lagi ko nalang siyang inaabala dahil hindi ako makapag drive sa sobrang likot ni Kresha. Stable naman ang trabaho ni Ace kaya ayos lang sakaniya. Hindi rin naman siya busy.
I prepared Kresha's things before preparing myself. Minutes later, Ace arrived and carried Kresha's bag for me.
"Aren't you ready to have a second child?" I asked. Bagot ako sa byahe e, edi mag iinterview nalang ng buhay ng may buhay.
"It depends on my wife besides, hindi ako sing bilis ng asawa mo" he chuckled. Hindi na 'ko sumagot, tama naman siya e. Gusto pa nga ng anak ni Dean palibhasa hindi siya yung nahihirapan.
Nag-usap kami habang nagda-drive siya. Hindi ako nabored kausap siya though ang tipid niyang sumagot.
"Thanks Ace!" I cheerfully said and threw a flying kiss but he dodged it. Ang arte, flying kiss lang naman.
Kumunot ang noo ko nang makakita ng hindi pamilyar na nurse na lumabas sa office ni Dean. Halatang intern kaya hindi ko nalang pinansin. I walked towards the door and was about to open it when someone talked behind me.
"Ma'am may pasyente pa po sa loob" The nurse I saw earlier informed me. Ang bigat ni Kresha, gusto kona talagang pumasok.
"I'm Mrs. Davis" I smiled at her. Mukhang nagulat siya pero kaagad din akong pinagbuksan ng pinto. Bakit ba ganon ang reaksyon nila pag sinasabi kong asawa ako ni Dean? Hindi ba kami bagay? Bagay na bagay kaya kami!
"Hubby!" I pursed my lips when the patient glanced at me. Hindi ko napansing may pasyente kanina dahil kaagad dumako ang tingin ko kay Dean.
Patapos na rin naman silang nag uusap dahil niresetahan na siya ng gamot at mukhang nagpapaalala nalang si Dean sa mga dapat at hindi niya dapat gawin.
"Thanks Doc" malambing na sabi ng babae bago tumayo. Nag init ang ulo ko nang tinignan niya pa si Dean at nginitian bago tuluyang lumabas ng pinto.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Natatawang tanong ni Dean habang papalapit na siya sa 'kin.
Akala ko hahalikan niya ako dahil yumuko siya palapit sa mukha ko pero kukunin niya lang pala si Kresha sa mga kamay ko. Sinamaan ko siya nang tingin dahil doon.
"Galit kaba?" Tanong niya habang diretso ang tingin kay Kresha.
"Madali lang akong mairita, I'm on my period you know?" Pinagtaasan ko siya ng kilay at humalukipkip.
"Aw that's sad. We can't play tonight" Sinamaan ko siya lalo ng tingin pero napawi ang inis ko dahil sa sinabi niya.
"Uuwi ka mamayang gabi?" Tanong ko, kumikinang na ang mga mata ko dahil naiisip kona kaagad na magkayakap kami mamayang gabi.
" I forgot to tell you, my friend will come over. Galing siyang ibang bansa at tinanong niya kung pwedeng makitulog sa 'tin habang naghahanap siya ng bahay na matitirahan" He informed me. Wala namang problema sa 'kin yon, may vacant room naman kami.