-Krystal-
Galing akong hospital kanina dahil hanggang 12 pm yung shift ko.Natulog muna ako para hindi ako antokin mamaya dahil pupunta kami sa club nina Lucy.
4 pm ako nagising at tumayo na para mag ayos.Nagsuot lang ako ng black brallete at pinatungan ng black leather jacket.Nag white high waisted shorts nalang ako pambaba at white sneakers.Hinayaan kolang na nakalugay ang buhok ko at lumabas na sa condo.
Pagkalabas ko ay saktong lumabas din si Dean.Biglang kumunit ang noo niya at nagsalubong ang kilay ng makita ako
"Where are you going?" Tanong niya habang tinitignan ang damit ko
"Sa club ng friend ko"
"Kylie?" Tanong niya
"Kilala mo?"
"Of course" Naalala ko na claasmate ko pala si Kylie nung senior highschool so for sure kakilala niya din since magkaklase daw kami dati
Tinignan niya ang wristwatch niya saka na binalik ang tingin sa'kin
"Sinong kasama niyo? May lalake?"
"Wala po boss" umiling iling ako habang ngumingisi "alis na'ko nasa carpark na daw sila"
Bumaba na'ko at sumakay sa van na dala ni Belle.Hindi ako naa-out of place sakanila dahil sinasabi nila sa'kin yung tungkol sa pinag uusapan nila para maka relate ako
"Siya yung campus beauty sa dati naming school kaso lumipat siya sa ibang bansa" Sabi ni Belle
Ako?campus beauty? Ganda ko ah
"Meron pa!" Excited na sabi ni Kylie na mukhang nakaisip na idadagdag sa sasabihin
"Alam mo yung crush mo na nakikita mo sa news paper?" Tanong ni Kylie kay Ella
"Si Ace Jaiden Miller?"
"Oo!" Pagsang ayon ni Kylie "Tsaka yung junior doctor na crush mo Lucy"
Napaayos tuloy ako ng upo dahil kilala ko mga tinutukoy nila
"Oh napano?" Tanong ni Lucy
"Pinag-agawan si Krystal" Tumatawang sabi ni Kylie kaya nakitawa na din si Belle
Huh?? Bat nadamay ako?
"Hala weh?!" Gulat na tanong ni Ella
"Ganda niya no?" Tumatawang sabi ni Belle na halatang tinutukso yung dalawa
"Ay wait ingat ka sa buhok niya baka maapakan mo" linayo ni Lucy yung paa niya habang nakatingin sa sa carpet ng van na para bang naaapakan niya yung buhok ko
"Hindi ko alam sinasabi niyo" sabi ko nalang para makatakas na sa gulo
Nakarating kami sa club ng bandang 6:15pm dahil malapit lang naman.Pagkapasok namin naamoy ko kaagad ang amoy ng alak. Umupo kami sa couch na rineserve sa'min ni Kylie dahil pamilya niya ang may ari ng club
Naglapag agad sina Belle ng alak sa table namin hindi ko alam kung ano ang mga 'yon dahil hindi naman ako umiinom
Good girl ako duh!
